Select your language
Afrikaans
Arabic
Basque
Bulgarian
Catalan
Chichewa
Chinese
Croatian
Czech
Danish
Dutch
English
Farsi
Fijian
Filipino
French
German
Greek
Hebrew
Italian
Japanese
Kinyarwanda
Kisongie
Korean
Lingala
Malagasy
Norwegian
Nuer (Sudan/South-Sudan)
Oromo
Polish
Portuguese
Romanian
Russian
Slovak
Somali
Spanish
Swahili
Swedish
Tshiluba (DR Congo)
Turkish
Welsh

Bahay na Ginto

Ang Bahay na Ginto

Ito ay hindi isang kampo, ngunit may libo-libong mga tolda.  Sa gitna nito ay naroon at nakatayo ang bahay na ginto.  Ang tolda ay may dalawa lamang kulay; ito ay kulay abo at itim lamang na kalimitang tirahan ng mga taong nasa Disyerto o palaging naglalakbay.  Ito ay hindi lamang isang tribo, kundi isang bansa na may labin-dalawang lipi na kinabibilangan ng milyong mga tao.  Ito ang mga taong bayan ng Israel.

Sa tuwing ipinagpapatuloy nila ang kanilang paglalakbay, sila ang bumubuo ng walang katapusang pila mula sa lalaki, babae, bata at ang panghuli ay ang kanilang mga alagang baka.  Sa tuwing itatayo nila ang kanilang tolda, sila ay bumubuo ng malaking pagkakampohan sa parihabang hugis; tatlong lipi ang sa silangan, tatlo ang sa timog, tatlo ang sa kanluran at tatlo ang sa hilaga.  Sa gitna nito ang kinurtinahan na Bahay na Ginto. 

Katunayan, ang mga itim na tolda at ang magagandang bahay ay hindi na nagkasama ng maganda, pero kahit na sino man sa kanila ay walang nakatugon sa Diyos.  Sa bawat tolda ay naroon ang dalamhati, kalungkutan, pag-aaway-away at kaguluhan.  Kung ating titingnan ang mga toldang iyon at ating pakikinggan!  Kung ating titingnan ang puso ng bawat isa!  Ano ang ating makikita?  Kapareho rin ba ng mga bagay na nasa ating mga puso:  pagkamakasarili, mapagmalaki, may maraming isipan, pagkakagalit, at maging pagkamuhi.

Langit sa Lupa

Bakit ang gintong bahay, Ang bahay ng Diyos ay nakatayo sa gitna ng mga taong ito?  Bakit kailangang ibigay ng Diyos ang lahat para sa mga taong ganito?  Bakit hindi pa Niya pinabayaan ang mga tao sa kanilang mga sarili nais?  Bakit hindi na lamang Siya nanatili sa langit .? Ang Diyos ay Diyos na naparito.  Siya na may bahay na Ginto ay naparito sa lupa.  Ginusto ng Diyos na manatili sa gitna ng mga tao, at Kanyang ninanais na ang tao ay mabuhay na malapit sa Kanya.

Ang Kanyang nais ay hindi lamang noong panahon ng mga Israelita.  Kanya pa ring ninanais na mabuhay kasama ng mga tao ngayon, sa ating panahon sa ating kinabukasan, sa oras ng bagong langit at ng bagong lupa.  "Ngayon, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao.  Mananahan Siyang kasama nila.. (Pahayag 21:1-3).  Ikaw ay tatanggapin ng Diyos dahil ang Diyos ay pag-ibig.

Ang Kahanga-hangang Bahay

Ang bahay na Gintong ito,ang bahay ng Diyos, na nagpapahayag ng tungkol sa Anak ng Diyos.  Ito rin ang nagpapahayag patungkol sa Diyos at sa langit.

Ang paglalarawan sa "Tabernakulo" o "toldang-tipanan" sa disyerto ay hindi talaga nakapagbibigay ng mga detalye patungkol sa sagradong pook, ngunit ito ay nagpapayo na itaguyod ng makabuluhan kasama nila.  Ano ang kahalagahan ng napakaraming kabanata ng Biblia na mayroon lamang mga listahan ng sukat, bigat at kagamitan?  Ang Bahay na ito ay nagpapakilala sa mga plano na nagmula sa isipan ng Diyos.  Ito ay tumutukoy sa kaluwalhatian ng langit, at ng ginintuang bayan, ng bagong Jerusalem.  Sinasabi sa Hebreo 9:23-24 na ang kasangkapan sa tabernakulo ay ginaya sa mga bagay sa langit.

Sino ang sentro ng kalangitan?  Ang kahanga-hangang Anak ng Diyos, ang ating Panginoong Cristo Jesus, na ang lahat na yaman at kaluwalhatian ay Siyang matatagpuan.  Siya ang sentro ng isipan ng Diyos mula sa kabilang buhay hanggang sa walang hanggan.  Dito ay ating madidiskubre ang mga nasa Banal na kasulatan. Kaya nga Siya ay inihayag ng paulit-ulit sa Bahay ng Diyos na nasa disyerto, mula sa sariling katangian at kabuuan.

Ang Biblia ay ang Salita ng Diyos.  Ang Diyos ang Siyang nagbigay ng sigla sa tao; Siya ang nagdigta sa kanila ng kanilang dapat na sulatin.  Sa ganitong kalagayan ang Diyos mismo ang siyang nagbigay sa atin ng Banal na Kasulatan. Sa Exodus, ang pangalawang aklat sa bilia ay mayroon tayong tabernakulo, hindi lamang bilang isang katiyakan, kundi bilang isang buhay na larawan na nagpapakita ng nasa isipan ng isang manlilikha.  Ang lahat ng detalye dito ay makabuluhan.  Ang kanilang kahulugan ay ating makikita at madidiskubre sa mga Salita ng Diyos, ang Banal na Kasulatan ang siyang tanging makapagpapaliwanag ng lahat.

Ang Takdang Gawain

Ang bahay na ito ay hindi lamang itinayo para sa kapakanan ng mga tao.  Ito ay itinayo dahil ninais ito ng Diyos.  " Ipagpagawa mo ako ng santwaryo na titirhan kong kasama nila (Exo. 25:8).  Ang Diyos mismo ang nagpakita ng disenyo kay Moises noong siya ay nanatili ng apatnapung araw sa bundok ng Sinai (Exo. 24:18).  Noong ginagawa ang Toldang Tipanan, nagbigay ang Panginoon ng  walang tigil na paalala na kinakailangan na ito ay katulad nang Kanyang iniutos kay Moises. (Exodo 39:42).  Ito ay nararapat na maging gusali na hindi man lamang pumasok sa isipan ng tao.

Page 7 picture

Napapaligiran ng lineng kurtina ang buong patyo na naglalaman ng Altar na Sunugan, Ang palangganang sunugan ng kamanyang at ang Bahay na Ginto na natatakluban.  Ang Diyos ang naninirahan dito.  Kagaya rin natin, ang mga tao rito ay makasalanan ngunit ang Diyos ay pag-ibig dahil dito nais niya na manirahan kasama ng mga tao.  Ang tanging daan patungo sa patyo ay mula sa tarangkahan (Ang gitnang bahagi sa gitnang bahagi).  Upang makapasok sa pinaninirahan ng Diyos, kinakailangang dumaan muna sila sa altar at palanggana at pagkatapos ay sa tabing.

Ngayon mayroon pa ring daan at ito ay sa pamamagitan kung paano tayo makalalapit sa Diyos.  Sinabi ng Panginoong Jesus, "Ako ang daan!".

Ang Pagkilala sa Tabernakulo

Bigyan natin ito ng pansin.  Makikita natin buhat sa malayo na ito ay natatabingan ng mamahaling lino sa paligid, ito ay may isang daang talampakan ang haba at pitumpung yarda naman ang luwang na nakatindig sa patungan.  Kung ating susukatin, Ito ay maaaring siyamnapung talampakan hanggang isang daang talampakan.  Ang bubungan ng bahay ay nakataas sa ibabaw ng bakod na may sampung yarda.  Ang bubungan ay hindi kinulayan ng matingkad.

Makikita natin mula rito na hindi ito kaakit-akit.  Ngunit ito lamang ang tanging daan sa mga bagay ng Diyos.  Sinumang hindi nakapasok sa tahanan ng Diyos ay hindi nakauunawa ng maka-Diyos na bagay at gawain.  Ang mga taong ganoon ay mga walang kwenta.  Ang Biblia ang makapagpapatunay nito sa nasulat sa 1 Corinto 1:18, 23.  Nang ang Panginoong Cristo Jesus na Anak ng Diyos ay nasa lupa hindi iniisip ng mga tao na Siya ay hindi karaniwang tao na kaiba nila.  Lahat ay natago sa kanila.  Inisip pa nila na wala Siyang kagandahan " Siya ay walang katangian o kagandahang makatawag pansin, wala Siyang taglay na pang-akit para lapitan siya. Nagdanas Siya ng sakit at hirap ngunit wala man lang nagtapon ng sulyap sa Kanya". (Isa. 53:2,3)

Nalalaman ng bawat mananampalataya ang mga bagay na ito sa kanilang mga sariling karanasan.  Sa umpisa walang bagay na nakaakit sa akin kay Cristo, ngunit ngayon na nalaman ko na ang tungkol sa Kanya, Siya'y lalong naging dakila at mas mahalaga sa akin.

Walang basta makapapasok  

Exodo 27:9-18

Sa ngayon, ang ating kalakip na pag-aaral ay mas lalong nagiging kapita-pitagan.  Ang kanyang puting tabing, ay kakaiba sa kulay abong tolda sa paligid na nagbibigay ng pagkilala sa kalinisan at kabanalan ng loob.  Dahil sa kanyang taas, limang yarda o kaya ay siyam na talampakan, walang sinoman ang makakikita rito.  Ang Diyos ay hindi nagpapakita ng Kanyang sarili, Wala pang inihahandang pagtangap mula rito.  Ang mga matataas na putting tabing naman ay nagsasabing "Walang papapasukin".  Karaniwan na itong daan sa Diyos na ipinagbabawal sa bawat isa at ito ay isang napakaseryosong bagay.

Mayroong isang Tao lamang na Siyang kasing puti ng mga tabing na ito.  Siya ang Cristo, ang nag-iisang dalisay, ang  Taong matuwid.  Kung titingnan mo ang mga tabing na ito, ikaw ba ay kasing dalisay nito?  Ikaw ba ay nararapat sa lugar na kagaya nito ?

Marami ang gustong sumunod kay Cristo.  At tila gusto nilang gawin ang tama ngunit ang unang aralin na gusto ng Diyos na ituro ay kalakip sa simula pa lamang nito, na ang mga tao mula sa kulay abong tolda ay mula sa maruming mundo na marahas na kabaligtaran ng Kanyang pagkadalisay.  Nais Niyang malaman natin na hindi tayo makalalapit at makapupunta sa kanya o basta na lamang susunod sa Kanya.  Ang Kanyang pagkadalisay at pagkawalang sala ay nagpapakita ng ating karumihan sa loob.

Tayong lahat ay marumi, may batik at makasalanan.  "walang matuwid, wala kahit isa. Ang kanilang mga labi'y ginagamit sa pandaraya. Ang pagkatakot sa Diyos ay walang pitak sa kanilang puso.  Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos".  (Rom. 3:10-23).

Ikaw ba ay tapat upang tanggapin na ikaw ay makasalanan? Ikaw ba ay lumapit na may nasayang na buhay noon at ngayon na nais magbago?  Sa ganoong paraan tatanggapin ka ng Diyos.  At sa silangang bahagi ay mayroong tarangkahan, isang bukas na pinto para sa mga makasalanang nagsisisi.

Ang Tarangkahan

Isang maluwang at magandang tarangkahan ito!  Dahil sa ating mga kasalanan, ay nasabi ng Diyos, "Ang lahat ay mananatili sa labas, sa walang hanggang kadiliman.  Ang lahat ay dapat na mamatay".  Ngunit dumating ang kahanga-hangang biyaya ng Diyos.  Gumawa Siya ng pintuan - para sa lahat!  At iyan ang bagong Ebanghelyo, ang mabuting balita; Ang Diyos ang Siyang naglaan!  Isang pambihirang pintuan!

1.   Ang pintuan ay maluwang:20 yarda, malapit na sa 40 talampakan.  Hindi maraming pintuan ang may luwang na kagaya nito.

Ang pag-ibig ng Dios ay gumawa ng isang maluwang na pintuan upang ang lahat nang magnais ay makapapasok.  Dahil sinabi ng Diyos "Bawat isa ay makapapasok ng malaya".  Ang Diyos ang Tagapagligtas na ang ibig ay maligtas ang lahat ng tao. (1 Tim. 2:3-4).  Ang lahat ng may ibig ay maaari ring pumunta (Pahayag 22:17)

2.   Ito ay isang magandang pintuan na may apat na kulay; asul, lila at pula na binurdahan ng puti.  Ang mga kulay na ito ang nagpapakita sa pinto bilang paanyaya.  Ito ay nagsasalita sa atin patungkol sa Panginoong Jesus.  Pag-uusapan pa uli natin ang mga kulay na ito sa susunod na pag-aaral.

3.   Ang pintuan ay madaling mapapasok.  Ito ay hindi gawa sa kahoy o metal; ito ay isang tabing na may 20 yarda ang luwang at 5 yarda ang taas.  Kahit ang bata ay maaaring makapasok.  Bata at matanda ay tatanggapin.

4.   Mayroon lamang isang pintuan ito.  Ang Panginoong Jesus lamang ang nakapagpapaliwanag ng ibig sabihin noong Siya ay nasa lupa.  Sinabi Niya "Ako ang pintuan.  Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko'y maliligtas.  Papasok siya't lalabas, at makatatagpo ng pastulan." (Juan 10:9).  Dahil kay Cristo, tayo'y kapwa makalalapit sa Ama sa pamamagitan ng espiritu. (Efeso 2:18; 3:12).

Kalimitan ay sinasabi ng mga tao, " Ang bawat tao ay maaaring maligtas sa pamamagitan ng kanilang sariling paraan," ito ay walang katotohanan dahil Siya lamang ang tanging Tagapagligtas at tanging daad sa kaligtasan. "Sapagkat iisa ang Diyos at iisa ang tagapagmagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus. (1 Tim. 2:5) Siya lamang ang makalalapit sa tinatahanan ng Diyos.

Ang saradong pinto

Ngunit sinasabi rin ng Biblia na isang araw ang pinto, ay sasaraduhan.  Ang pinto ng kaligtasan ay sasaraduhan kagaya ng pangyayari sa arko sa Genesis 7:16-23 nang malunod ang ang mga tao sa labas.  Ang pinto sa Pista ng kasalan ay nasaraduhan sa Mateo 25:1-10.  Ang limang hangal na abay na nagnais na dumalo sa kasalan ay nahuli nang dating.

Mayroon lamang dalawang bagay na posible, ikaw ay maaaring nasa loob o nasa labas.  Sa loob ikaw ay ligtas at nasa pista habang panahon.  Sa labas naman ikaw ay nawawala sa walang hanggang kadiliman.  Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng buhay at kamatayan, walang hanggang liwanag at walang katapusang kadiliman.  Alinman sa dalawa, pumasok ka sa pamamagitan ng Panginoong Cristo  Jesus o manatili ka sa labas.  Kahit sa iyo ang pinto ay biglang masasaraduhan; maaaring iyan ay sa oras ng iyong kamatayan ng hindi inaasahan, sino ang nakaaalam kung kailan iyon?  O maaari ring sa sandaling bumalik ang Panginoon, iyan din ay maaaring malapit ng mangyari.  Kung hindi ka pa nakapapasok sa ngayon, ikaw ay mahuhuli na magpakailan man.  Isipin mo kung paano ang tumayo sa harapan ng isang saradong pinto, isang pinto na hindi na maaaring magbukas muli!

Sa labas ay mayroong tangis at pagngangalit ng mga ngipin at ang magiging pagsisisi ay ganito:  "Kung pumasok lamang ako noong nabasa ko ang nakasulat sa maliit na aklat ang Bahay na Ginto"!

Alin sa mga pangungusap ang nakapaglalarawan ng iyong katayuan ?

NASA LOOB AKO O AKO AY NASA LABAS

Alin sa mga pangungusap na ito ang iyong aalisin?  Ikaw ba ay mayroong sapat na tapang upang sagutin ito ng makatotohanan ?

Ang pinto ay nananatiling bukas.  Si Cristo ay mananatiling naghihintay ng nakabukas ang mga bisig na nagsasabing " Lumapit kayo!  sa Akin kasama ng inyong mga kasalanan.

Page 11 picture

Sa paligid ng Bahay na Ginto ay mayroong mga puting tabing.

Sa Katunayan, ang kadalisayan at kabanalan ng Diyos ang dapat makapagsara sa labas sa mga taong makasalanan.  Gayunpaman, ang Diyos ay may maluwang at magandang tarangkahan na ginawa.  Ang tarangkahang ito ang nagbibigay ng libreng pasukan para sa lahat ng magnanais na pumasok.  Ito ay nagpapahiwatig na mayroong pasukan para sa lahat.  Ang Panginoong Cristo Jesus ang nagsabi "Ako ang pintuan, sa pamamagitan Ko ang sinumang magnanais na pumasok ay maliligtas".

Walang sinuman ang kailangang manatili sa labas.  Ang Panginoon ay nagpahaba ng isang matapat na paanyaya para sa lahat!

Ang Altar na Sunugan

May isang nagtanong, isa siya sa mga Israelita.  Siya ay may kaginhawahan sa buhay ngunit may karamdaman at kabalisahan. Siya ay may mga tupang pinauupahan.  Ano ang nagtulak sa kanya upang pumunta?  Ito ay dahil sa takot sa Diyos!   Siya ay nagkasala at ang kanyang konsensya ay nababagabag.  Alam niya ang tungkol sa banal na Diyos na nakatira dito sa Bahay ng Diyos.

Kailangan ba niyang tumakbo palayo sa Diyos papunta sa kabilang direksyon?  Hindi, dahil hindi ka makatatakas sa Diyos.  Ang isipin lamang ang kadakilaan ng Diyos ay makapagdudulot na sa tao upang sila ay pagpawisan.

Ang Patyo

Ang tao ay nagpapatuloy papunta sa hilagang bahagi ng puting kurtina ng dingding.  Ang kalinisan nito ay nakaaapekto sa kanyang konsensya.  Siya ay nagmula sa silangang bahagi at doon ay nakatira ang malawak na bukas na tarangkahan.  Siya ay hindi na nag-atubiling pumasok kaya ngayon siya ay nakatayo sa isang maluwang na patyo.  Sa unahan niya ay nakatayo ang magandang Bahay, ang Bahay na Ginto, na kahanga-hanga ang taas.  Ang araw ang siyang nagbibigay liwanag sa buhangin na nasa patyo at sa kanyang pakiramdam, siya ay nakatayo sa liwanag ng Diyos.  Nararamdaman din niya na ang Diyos ay nakatingin sa kanyang kasuotan tagos hanggang sa kanyang puso, kaya nalalaman ng Diyos ang lahat patungkol sa kanya.

May isang saserdote ang lumapit sa kanya at nagtanong.  Ano ang nangyayari sa iyo?  at sumagot siya, "Ako. Ako ay nagkasala . at . ang Diyos . ang magpaparusa.? "  "Oo," ang sagot ng saserdote, "Ikaw ay pumunta sa itinalagang lugar!  Ang Diyos ay naglaan nito para sa mga makasalanang hindi para sa mga tao na nag-iisip na sila ay mabuti.

Ang altar at Handugan

" Sumunod ng tapat sa akin " pagkatapos sila ay tumayo malapit sa unang bagay na nasa tabernakulo, ang malaking tansong altar na sunugan ng handog.  Ang salitang "altar" ay nangangahulugan ng "lugar nang handog".  Hindi man lamang natin mahuhulaaan kung ilang hayop na ang pinatay at sinunog sa lugar na iyon.  Sa buong Biblia sinabi sa atin ang tungkol sa kahulugan ng altar at ng handugan.  Ito ay tumutukoy kay Cristo at sa Kanyang ginawang pagtubos doon sa Krus.  Ito ay nakalaan sa lahat ng layunin ng Diyos at sa nag-iisang kaligtasan para sa makasalanan.

Ang altar at ang libo-libong handog na dinadala mula pa noon ay naglalarawan ng isang perpektong handog ni Cristo at ang Kanyang gawaing kaligtasan doon sa krus mula sa kabilang buhay patungo sa walang hanggan. Ang krus ng Tagapag-ligtas ang siyang pinaggigitnaan sa pagitan ng langit at lupa.

Ang plano ng Diyos

Alam ng Diyos bago pa ang lahat ang kalalabasan ng Kanyang mga nilikha.  Alam Niya ang plano ng diyablo na nagnanais na wasakin ang lahat ng sa Diyos at sirain hindi lamang ang Kanyang mga nilikha kundi lahat ng tao na kanyang ninanais hilahin kasama niya patungo sa walang hanggang pagkawasak.  Ngunit bago ang lahat ang Diyos ang may plano na sa Kanyang puso kung saan Kanyang ililigtas ang tao.  Tanging ang Diyos lamang ang maka-iisip ng mga bagay na ito.

Siya ang Banal na Diyos, na hindi sasang-ayon sa kasalanan at pababayaan ito ng hindi naparurusahan.  Ang Diyos ay Ilaw (1 Juan 1:5).  Kinakailangan niyang ituwid at parusahan ang tao.  Ngunit kapag ginawa Niya ito, Paano maipakikita ang pag-ibig?  Ang Diyos ay pag-ibig (1 Juan 4:8, 16).  Pagkatapos, binago ng Diyos ang Kanyang plano.  Ang Kanyang sariling Anak ay bababa sa lupa at magkakatawang Tao, upang mamatay sa lugar ng mga makasalanan.

Sa buong Lumang Tipan, bawat altar at bawat hayop ay iniaalay bilang handog na tumutukoy sa bugtong na Anak ng Diyos at sa Kung paano siya darating sa lupa isang araw upang magtiis at mamatay doon sa krus.

Mamatay sa lugar ng .

"Aking nagpag-alaman na nagdala ka nang hayop na ihahandog!".  Sabi ng saserdote sa lalaki na may dalang tupa. "Oo, alam ko na kailangan.  Kinakailangan ba na ang hayop ay mamatay ?"  "Tiyak, dahil walang kapatawaran ng kasalanan kung walang pagbububo ng dugo." (Heb. 9:22).  "ngunit ang hayop na ito ay walang pagbububo ng dugo." (Heb. 9:22). "Ngunit ang hayop na ito ay walang kasalanan! At ang aking mga anak ay nawiwili dito. Ang tupang ito ay walang ginawang kasalanan, hindi ba? "Ngunit iyan lamang ang puntos.  Ang bawat makasalanang tao ay hindi mapapalitan ng sinuman".  Ikaw ay nakabilang ayon sa kasalanan na iyong nagawa.  Ngayon ikaw ay dapat na mamatay, o ang isang walang kasalanang biktima ang kailangang mamatay para sa iyo.

"Ilagay mo ang iyong sarili sa katayuan ng tupang ito; at kapag nagawa mo ito, iyong maaamin na ikaw ay makasalanan at ang tupang ito ay walang kasalanan.  Namasdan ng Diyos ang gawaing ito bilang iyong kahalili sa tupa na siyang ihahandog.  Ang iyong kasalanan ay nasalin sa Tupa.  Nang mamatay ang tupa, ikaw ay naging malaya at napawalang - sala.

Nang ilagay ng tao ang Kanyang sarili sa katayuan ng tupa, marami pang mga bagay ang inihanda kagaya ng . patalim . at pagkatapos umagos nang dugo ng tupa doon sa buhangin sa Disyerto. Ito ay isang kapita-pitagang tanawin.  Nang maramdaman ito ng taong iyon siya ay huminga ng malamim at itinaas ang kanyang paningin papunta sa langit lalo niyang naramdaman ang paghihirap na sinimulan sa pagsasalalay sa Kanyang balikat.  Ang tupa ang namatay sa halip na siya. "Upang matubos ang kasalanan ng taong iyon" (Lev. 4:31) " Salamat sa Iyo, O Diyos".

Paano naman Ikaw ?

Maaari ko bang itanong bilang mga mambabasa, bata at matanda kung pumasok na ba sa inyong mga isip ang ginawa ni Jesus doon sa Krus?  Siya na Walang Kasalanang Banal na nagdusa at namatay ay walang kapantay.  Ito ang paghihirap ni Cristo bilang kapalit.  Para kanino? Hindi para sa lahat ng tao dahil marami ang walang malasakit doon sa nangyari sa krus, sila ay patuloy pa ring nagpakababa sa kasalanan sa kanilang sariling kagustuhan wala silang pakialam sa katotohanang may isa na namatay para sa kanila kahit na ito ay humantong sa kanilang walang hanggang pagkakaligaw.

Ang iba naman ay nakatingin lamang, naaakit at nag-iisip, ngunit hindi naman sila lumapit sa Diyos na kagaya ng ginawa ng Israelitang lumapit, bilang isang makasalanan.

Si Cristo ay namatay para sa lahat na nag-alay ng kanilang sarili para sa tupa, ang Tupa ng Diyos.  Maari mo ring gawin ito.  Gawin mo ito na ang dalawang kamay ay nakatiklop at saka mo sabihing " Ako rin ay nagkasala, nararapat lamang ako doon sa krus Panginoong Jesus kung saan ikaw ay namatay para sa akin.  Pagkatapos, itaas mo ang iyong mga kamay patungo sa langit at sabihin mo, Aking Diyos at Ama, ako ay nagpapasalamat sa Iyo, ako ay naniniwala sa Iyo at nananalig sa ginawa ng iyong Anak doon sa krus at ako ay nagpapasalamat sa Iyo sa pangan ng Panginoong Jesus".

Pagtapos noon, patatawarin ka ng Diyos sa iyong mga nagawang kasalanan sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.  Ikaw ay malaya na, walang hanggang kalayaan!

Doon sa krus ang pagpupuri ay magpakailanman.

Masisisi ba ako ng batas?  Hindi !

Si Cristo ay namatay doon sa kalbaryo, at nag-alis ng sumpa para sa akin

Ipinagpalit ni Cristo ang buhay para sa akin!

Mula sa kasalanan at kamatayan akoy naging malaya.

Gaano kalaki ang altar ?

Ang saserdote ang nagdala ng tupa at inialay niya sa altar at pagkatapos noon nakita niya ang kagandahan ng altar.  Ito ay may 5 yarda ang haba at 5 yarda ang luwang.  Ito ay hindi nagkataoon lamang.

Ayon sa Biblia, ang lima ay bilang ng responsibilidad.  Ang batas ay may limang utos na tumataklob sa kilos ng tao para sa Diyos at ang lima ay tumataklob sa kanyang kilos patungkol sa Kanyang kapitbahay (Exo. 20).  Tayo ay may limang daliri sa bawat kamay at limang daliri sa bawat paa.  Ano ang gagawin ko sa aking mga kamay?  Magagandang bagay lamang ba?  Sa lahat nang aking kilos at gawain ako ay may pananagutan sa Diyos.  Saan tayo dinadala ng ating paa?  Doon lamang ba sa lugar kung saan nais ng Diyos na ating puntahan?  Sa lahat ng bagay na tayo ang may pananagutan sa Diyos, tayo ay hindi nagtatagumpay.  Tayo ang may kasalanan sa pagsuway sa bawat utos kasama ng kamay at paa.  Walang sinumang nabuhay sa pamantayan ng Diyos.  Tayo ay sumuway hindi lamang sa kaunti kundi sa lahat ng kautusan ng Diyos maging ito ay nasa isipan lamang !

Sinuman ang tumangap sa katotohanan ay makalalapit sa altar ng Diyos na nagmula sa krus.  Dito ipinako ang Taong matuwid, si Cristo Jesus, ang kaisa-isang sumusunod sa kautusan ng Diyos noong Siya ay naririto sa lupa.  Kaya Siya lamang ang kaisa-isang gumawa ng kabayaran at nagbigay sakripisyo para sa Diyos.

Ang altar ay may apat na gilid.  Mula sa apat na sulok ng daigdig (Isa. 11:12).  Sa Biblia, ang apat ay bilang ng mundo, kaya nga ating makikita ang apat na kulay na nasa tarangkahan at kung bakit may apat na ebanghelyo na tumutukoy sa Tagapagligtas ng mundo na pumunta sa lupa para sa lahat.  Siya ang " pantubos para sa lahat " ibig sabihin, Siya ay maaari sa lahat (1 Tim. 2:6).

Sinumang magnanais na maligtas ay maliligtas. 

Nais mo bang maib'san ng pasan ?

Makapangyarihan ang dugo

Sa sala ay makalayang tunay

May tanging lunas sa dugo

Koro Dugong mahal ng kordero ay makapangyarihan

Dugo lamang ni Cristong Banal

Panghugas sa kasalanan

Nais mong kalul'wa ay kuminang ?

Makapangyarihan ang dugo

Lumapit ka sa bukal ng buhay

May tanging lunas sa dugo

Tatlong yarda ang taas ng altar.  Malalaman naman natin dito na ang Diyos, ang nagbunyag ng kanyang tatlong katauhan.  Ang Diyos Ama, Diyos Anak, at ang Diyos Espiritu.  Ang tatlong katauhan bang ito ay may magagawa sa altar o sa gawain ng katubusan?  Oo, lahat.  Ang buong katauhan ng Diyos ay nabibilang sa kaligtasan ng tao.

Ang Ama ang nagsugo sa Kanyang Anak (1 Jn 4:14).  Ang Anak ang nag-alay ng Kanyang sarili (Gal. 2:20).  Inialay Niya ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu (Heb. 9:14).  Sa hulihan ng talatang ito ay nabanggit ang tatlong katauhan, si Cristo ang Anak, ang nag-alay ng Kanyang sarili na walang kapintasan sa Diyos Ama sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu.

Kahoy ang kagamitan ng altar

Ang altar ay kinakailangang yari sa kahoy na acacia.  Ito ay nakuha sa puno na lumago sa disyerto, ang acacia rabika.  Kalooban ni Yahweh na ang Kanyang lingkod ay matulad sa isang halamang natanim sa tuyong lupa.  Ang kahoy ay tipo o uri  ng Kanyang pagkalalaki, dahil ito ay lumaki mula sa lupa.  Ating nabasa sa Galacia 4:4 na  Siya ay isinilang ng isang babae at sa Isaias 4:2 Siya ay tinawag na "bunga ng lupa".

Tunay na si Jesus ang Anak ng Diyos, ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan (tingnan sa 1 Jn 5:20).  Hindi natin dapat itong kalilimutan dahil mananatili Siya magpakailanman.  Ngunit Siya, na Siyang walang hanggang Diyos ay naparito sa lupa upang ipadama ang pag-ibig at biyaya ay naging isang totoong tao.  Bakit kinakailangan Niya, bilang makapangyarihang Manlilikha na magpakababa ng labis?  Upang siya ay magpakahirap at mamatay (Heb. 2:17).  Bilang Diyos Siya ba ay mamamatay?  Ito ay imposible ngunit siya ay naging laman at dugo sa lahat ng bagay at naging katulad ng Kanyang mga kapatiran, ngunit walang kasalanan upang matapos ang gawain ng pagliligtas para sa mga tao.  Kinakailangan Niya  na maging Tao bago Siya dumanas ng hatol ng Diyos para sa atin.  Bagama't siya'y mahina nang ipako sa krus (2 Cor. 13:4).  Ito ang kahoy na altar na tinutukoy dito.

Ang Tanso

Kumikinang ang altar sa liwanag ng araw dahil ito ay nababalutan ng tanso.  Tanso na kumakatawan sa kapangyarihan.  Ayon sa Job. 40:18).  Gayon pa man, ito ay isang kapangyarihan na makatatagal sa apoy na hatol ng Diyos.  Makikita natin ang katibayan nito sa Bilang 16 kung saan mababasa natin ang paghihimagsik.  Mayroong 250 kalalakihan ang sumuway at nagnais na maghandog, ngunit ang mga mapaghimagsik ay tinupok ng apoy bilang hatol ng Diyos (Kabanata 33 - 39).  Subalit ating mahahalata, na ang mga tansong insenso ay tumagal din sa kaparehong apoy ngunit hindi natupok.  Ang 250 ay namatay na nalatag at tinamaan ng kidlat ngunit ang insenso ay hindi man lamang namarkahan.  Siya ay may kapangyarihan na makalalalampas sa kahatulan ng Diyos at makatatagal dito.  Ang altar ay nababalutan ng mga tanso na nasa insenso.

Sino ang may kapangyarihan na lumampas sa kahatulan ng Diyos.  Walang sino mang tao at hindi anghel.  Tanging ang Nag-iisang Tapat, ang banal na Anak ng Diyos.  Anong kahanga-hangang Tao!  Anong kahanga-hangang Tagapagligtas!  Siya ang tao (Ang kahoy)  Siya ang makatatagal sa kahatulan (ang tanso).  Tanging Siya lamang ang makapagdadala ng handog.  Siya lamang ang tanging makagagawa ng dakilang gawain ng katubusan na matagal na inantay ng tao nang may apat-napung siglo.  Ang Kanyang gawain ay sapat na upang magdala ng mga nawala papunta sa Diyos.  Oo, ito ay sapat upang malinis at mapanumbalik ang lahat ng nilikha.

Ilang taon ang nakalipas, nang may natagpuan ang mga scientipiko.  Isang matigas na pintong kahoy na nababalutan ng tanso ang napatunayang hindi tinablan ng apoy.  Ang natagpuang ito ay isinumite sa pamahalaan ng Kawanihan ng Pamatay Sunog ng London kung saan ito ay muling sinubukan.  Ang pinto ay nakapasa sa lahat ng pagsubok at napatunayan na hindi talaga tinatablan ng apoy.  Ito ay pagpapatunay lamang na ang lahat ng nakasulat sa Biblia ay pawang katotohanan at ang lahat ng ito ay malayo kung patungkol sa scientia ang pag-uusapan.

Page 17 picture

Ang malaking Tansong altar na sunugan ng mga handog na nakalagay sa gitna ng patyo.  Ito ay may 5 yarda ang lapad, 5 yarda ang haba at 3 yarda ang taas.  Sa gitna ng altar na ito ay mayroong rehas na bakal kung saan sinusunog ang handog.

Kung ating iisiping mabuti!  Gaano katindi ang init ng apoy na ito upang magamit sa paghahandog.

Katulad rin ito ng init na ipinamalas ng Panginoong Jesus noong Siya ay napako sa krus sa loob ng tatlong oras na kadiliman.

Page 18 picture

Ang gintong altar ng insenso ay wala sa patyo ngunit nasa banal na lugar.  Ang mga handog na dinadala rito ay hindi mga hayop, kundi  mga mababangong insenso.

Ang insenso ay sinusunog sa gintong senso na nasa altar.  Ang altar na ito ay maliit lamang (isa lamang yarda pahaba), ngunit ito ay mayroong katamtamang taas (2 yarda).

Ang panalangin at pagsamba ng mga mananampalataya ay itinataas bilang isang insenso na nakapagpapalugod sa Diyos.

Page 19 picture

Ang gabi-gabing pagsusunog.  Dito sa yari sa tansong altar na ito dinadala ang mga pantubos ng kasalanan.  Sa pamamagitan nito, ang makasalanang tao ay nakakatagpo ng kapatawaran.  Ang lahat ng handog na ito ay tumutukoy sa tunay na Tupa ng Diyos.

Nang si Cristo ay namatay sa krus, ang batayan sa bawat kaligtasan ay naibigay.  Ang tanging bagay na kinakailangang gawin para sa kaligtasan ay bumaling tayo sa Diyos,  Lumapit tayo sa Kanya na nagsisisi sa mga nagawang kasalanan.  Kinakailangan nating maniwala sa Panginoong Cristo Jesus; paniwalaan na; ang Panginoong Jesus ang tumapos ng lahat nang gawain doon sa krus.

Ang rehas na bakal, ang apoy at ang sungay ng altar.

Sa harapan niya, lumabas ang apoy at tinupok ang handog na susunugin pati ang tabang nasa dambana.  Nang makita ito ng mga tao, sila'y napasigaw at nagpatirapa (Lev. 9:24).

Ang tao ay muling nagulat nang ang saserdote ay mag-alay ng tupa sa apoy.  Isang nakagugulat na pagliliyab!  Sapagkat ang ating Diyos ay parang apoy, nakatutupok"  sabi sa Hebreo 12:20.

Labis na natuwa ang Israelita nang makita ang tupa, bilang kanyang kahalili sa apoy ang lugar kung saan dapat siya ang napalagay.  Nararapat na ako ay parusahan, Ngunit sa halip si Cristo ang nalagay doon sa krus at naparusahan sa matinding galit ng Diyos.  Ito ay hindi nararapat sa Kanya.  "Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya'y ibinilang na makasalanan upang makipag-isa tayo sa Kanya at mapabanal sa harapan ng Diyos sa pamamagitan Niya" (2 Cor. 5:21). Nang mag-iikatlo ng hapon Siya ay nasa nakapanginginig na kadiliman, pinabayaan ng Diyos (Mt. 27:46).  Tahimik na pananalangin at pasasalamat ang nararapat dito! 

Kung ating pagbubulay-bulayin ang pag-ibig na ito at ang natapos na gawain, ating maiintindihan kung bakit ang biyaya ng Diyos ay hindi makikita sa mga taong tumanggi sa krus ni Cristo at kung bakit ang walang hanggang apoy ay nananatili sa mga tumanggi na tanggapin ang ganitong pagpapakahirap.

Isang lalaki ang umurong ng ilang hakbang pabalik dahil nakakita siya ng isang kahanga-hangang tanawin.  Nakita niya ang dakilang tansong altar na sunugan ng handog na may apoy na mas mataas sa rito . may usok na papunta sa langit. ang apat na sungay sa tabihan ng altar ay nababahiran ng dugo.na tila ang altar ay may nakabukang kamay patungo sa Diyos. ang altar na ito ay nagpapakilala sa pagpapakasakit ng Diyos.

Ngayon ang altar kung saan ang paghahandog na ginaganap ay nagiging katulad ng ginawa ng Panginoong Jesus.  Kung paano dinala ang handog sa Diyos, gayundin inihandog ni Cristo ang Kanyang sarili sa Diyos.  Ito ang naging kahalagahan ng Kanyang paghahandog, at tanging ang kahanga-hangang Nilalang lamang ang gumawa nito.  Atin ngayong maiintindihan ang sinabi sa  Matthew 23:19 na ang altar ay higit sa handog, dahil ang altar ay nagpapabanal sa handog.  Si Cristo ang lahat, ang altar at ang handog.  Siya rin ang saserdote na may dahilan na magdala ng handog na susunugin sa apoy para sa Diyos, kaya inialay Niya ang Kanyang sarili.

Ang krus ay hindi nangangahulugan ng kaligtasan para sa mga makasalanan.  Mayroong mas importanteng nakakabit dito, isang mas mataas at mas kahanga-hanga, dahil ang krus ay nagpapakilala sa pagtatalaga ng Anak para sa Ama.

Ang Anak ay nag-alay ng Sarili para sa atin, ngunit una sa lahat ibinigay muna Niya ang sarili sa Diyos, na isang paninira sa kasalanan, at ngayon ito ang Kanyang ninanais upang maluwalhati ang Diyos.  Sarili Niyang kagustuhan ang magdanas na mamatay upang maluwalhatian ang Diyos.  Sa dakong huli kung saan itinago Niya ang kanyang mukha na ginawang kasalanan sa Kanya, at pagkatapos sa kaparehong pagkakataon, ang Ama ay tumitig sa Kanya nang puno ng pag-ibig at kapahingahan para sa kanyang Anak" dahil dito'y minamahal Ako ng Ama, sapagkat inialay Ko ang aking buhay".

Ito ang Sinabi Niya sa Juan 10:17.

Walang Kapahingahan

Ang Kapahingahan

Ang Israelita ay ganap na nakahinga bilang kaginhawahan.  Ang lahat ng Kanyang kasalanan ay nawala at ngayon siya ay isa nang malaya.

Ngunit muli siyang nagtanong sa saserdote.  Paano kung magkasala akong muli?  Paano na?  "Kinakailangan na magbalik ka at  magdala ng handog; isang kambing, isang tupa o isang kalapati."  "At kung magkasala akong muli, halimbawa sa isang linggo?" "Kung gayon kinakailangan mong magdalang muli ng mga handog!  Hindi natatapos ang aking mga gawain dito.  Hindi mo ba napapansin na wala man lamang upuan dito?  Kahit na sa patyo maging sa tolda ay wala man lamang mauupuan.  Walang pagkakataon na maupo o magpahinga kahit saan.  Ako ay hindi pinapahintulutan na maupo sa ano mang pagkakataon.  Hindi ako natatapos.  Hindi namamahinga."

Ang kapaliwanagan patungkol dito ay matatagpuan sa Hebreo 10:11.  "Bawat saserdote ay nakatayong naglilingkod araw-araw at naghahandog ng iyon at iyon ding mga hain."  Bakit hindi sila pinapayagang maupo sa tabernakulo, sa lugar kung saan sila naglilingkod?  Ito ay dahil sa nabuhay siya sa panahon ng Lumang Tipan at gayundin bago pa ang krus.  Ang dakilang gawain ng pagtubos ay hindi pa nagaganap kaya ang kapahingahan ay hindi pa masusumpungan.

Hindi mabilang na mga handog ang nadala sa patayan.  Sa 1 Hari 8:86 lamang ay ating mababasa na may 22,000 baka at 120,000 ang pinatay bilang handog na pinagsasaluhan para sa paglalaan ng templo ni Solomon.  Gayunpaman, ang lahat ng mga handog na ito ay hindi nakapag-aalis ng mga kasalanan.  Sinasabi sa Hebreo 10:4, "Sapagkat ang dugo ng mga toro at ng mga kambing ay hindi makapapawi ng mga kasalanan", kahit noon, ang mga kasalanan ay pinatatawad sa panahon ng Lumang Tipan, na ating makikita sa mga Israelita.  Sinabi ni David sa Awit 32, "mapalad ang tao na pinatawad na yaong  kasalanan, at nalimot na rin ang kanyang nagawang mga pagsalangsang".

At pagkatapos sa kaparehong pagkakataon, ang Ama ay tumitig sa Kanya ng puno ng pag-ibig at kapahingahan para sa Kanyang Anak" dahil dito'y minamahal Ako ng Ama, sapagkat inialay ko ang ang aking buhay".

Ngunit ang kapatawarang ito ay pansamantala lamang, dahil kapag ang tao ay muling nagkasala, kinakailangan niyang magdalang muli ng bagong handog.  Ang kapatawaran ay itinakda bilang pagkilala sa tunay na handog na papatayin isang araw doon sa krus. (Roma 3:25).

Dito ay walang kapahingahan, sariwang handog ang kanuilang dadalahin ng walang patid.  At ang kinalabasan?  Basahin sa Hebreo 10:11.  Lahat ng mga handog na naihandog ay hindi makapag-aalis ng mga kasalanan.

Gayunpaman, walang mauupuan sa tabernakulo.

Isang sigaw ng tagumpay.

Ngayon ay dumating ang dakilang kaibahang nadala ng ating Tagapagligtas at Manunubos.  "Ngunit ang taong ito" ay sumulat sa mga apostol at ipinaliwanag kung paano Niya nagawa ito, matapos maghirap doon sa krus, at makamit ang walang hanggang katubusan", dahil Siya ay "nagpakita upang alisin ang mga kasalanan sa pamamagitan ng paghahandog ng Kanyang sarili" at pagkatapos "lumuklok sa Kanan ng Diyos". (Hebreo 9:12, 26; 10:12)

Ang nakalipas ay nangailangan ng isang makamundong saserdote - ngayon ito ay isang tanong sa makalangit na saserdote.

Ang nakalipas ay nangangailangan ng handog na hayop - ngayon ito ay isang tanong sa Tupa ng Diyos.

Ang nakalipas ay nangailangan ng maraming handog - ngayon ito ay isang taong inihandog.

Sa nakalipas, ang makabuluhang salita ay nakatayo - ngayon naman ay nakaupo.

Sa nakalipas, ang makabuluhang salita ay hindi natatapos - ngayon ito ay natapos na para sa habang panahon.

Sa nakalipas, ang makabuluhang salita ay walang kapatawaran ng kasalanan - ngayon ito ay puno ng kapatawaran.

Sa nakalipas, ang makabuluhang salita ay panandaliang pagpapatawad - ngayon ito ay buong pagpapatawad, para sa panahon at kabilang buhay.

Sapat na Pamamahinga

Ang Panginoong Jesus ay naupo; Siya ay namahinga.  Siya ay nakapasok sa Kanyang pamamahinga (Heb. 4:10).  Doon sa krus, makalipas ang tatlong oras ng mapait na pagdurusa, Siya ay sumigaw, naganap na!"

Lahat ay natapos na.  Wala nang natira na kailangan pang tubusin maliban sa pumunta tayo sa Kanya bilang isang nawawalang makasalanan, Buong katapatang ilagay ang iyong sarili bilang handog, kilalanin ang iyong kasalanan at pagsisihan ito.  Ito ang tinatawag na "pagbabalik -loob" o pagbabagong loob.  "Kung ipapahayag natin ang ating mga kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasamaan (1 Juan 1:9)  Maniwala sa Kanya; manalig sa Kanya.  Magpasalamat sa Kanyang walang bahid na katubusan.

Simula ng ihayag ito ng Diyos, Wala nang kailangang tapusin

Huwag nating isipin ang pag-aalinlangan,

Sa katapusan ng mundo siya'y muling magpapakita,

Upang tapusin ang Kanyang gawaing sinimulan

Masdan, masdan; masdan at mabuhay!

Mayroong buhay kung mamasdan ang Isang napako,

Mayroong buhay sa mga oras na ito para sa iyo.

Alam mo ba kung sino pa ang namamahinga?  Ang Diyos Ama.  Ang Diyos ay lubusang nasisiyahan.  Siya ay makapamahihinga sa gawain na natapos ng Anak doon sa krus.

Ikaw rin ay makapamamahihinga na kaparehas ng ginagawang kapahingahan ng Diyos.

Kalugod-lugod na pahinga at kapayapaan ang pumuno sa atin,

Mas matamis sa papuri na ating masasabi;

Ang Diyos ay nasiyahan kay Jesus,

Tayo ay nasiyahang kagaya Niya.

Pagkatapos, kapag ang lahat ng natubos ay naitaas na, sila ay aawit hindi para sa kanilang sarili.  Sila man ay hindi nararapat, ngunit sila ay aawit ng :

Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat

Na tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan,

karunungan at kalakasan,

Papuri, paggalang at pagdakila!

(Pahayag 5:9-12)

Ang Palangganang Hugasan

May isang tao ang nakapansin sa palangganang hugasan kaya tinanong niya ang Israelita "Paumanhin po, maaari bang itanong kung bakit ang lalaking iyon sa dulo ay naghuhugas ng kanyang mga paa at kamay ng napakaingat?

"Iyan ba, siya ay isa ring saserdote, kung iyong mapapansin sa kanyang puting kasuotan at sa nabuburdahang bigkis; kinakailangan niyang maghugas bago siya makapasok sa sanktuwaryo bilang isang saserdote.  Ito ay hindi nararapat sa iyo, ikaw ay hindi pinahihintulutan sa banal na lugar.  Ikaw ay isang pangkaraniwang Israelita lamang.  Ito ay hindi rin nararapat sa mga Levita, kahit na sila ay katulong ng mga saserdote.  Sila ay pinapayagan lamang na gumawa sa patyo at magbuhat ng sanktuwaryo at pagkatapos nito ay ilalagay sa dapat kalagyan.  Tanging ang saserdote lamang ang makapapasok, dahil sila ay anak at inapo ni Aaron ang mataas na saserdote.  Dahil ang Diyos ay banal at sila ay parating nadurumihan ang sarili, kaya sila ay binigyan ng mahigpit na utos na maging dalisay ang sarili sa pamamagitan ng palangganang hugasan.  Kung hindi sila ay hindi makapagsasagawa ng isang walang dungis na paglilingkod sa Diyos!".

Ito ang kalalagayan sa Lumang Tipan.  Ngunit para sa Israelitang ito ang palangganang hugasan ay walang halaga, dahil siya ay hindi pinahihintulutang makapasok sa kabila ng altar.  Gayunpaman para sa mga saserdote, ang palangganang hugasan ay napakahalaga dahil ito ang kanilang pang-araw-araw na tungkulin.  At para sa iyo na bumabasa nito, ang palangganang hugasan ay lubhang kailangan, oras na tinanggap mo na ang handog.

Lahat tayo ay saserdote

Ang mga tumanggap sa handog ay hindi lamang nilinis sa kanilang mga kasalanan ng Diyos siya ay ginawa ring seserdote.  Sa Pahayag 1:5-6, ating mababasa na ang Panginoong Jesus ay nagmamahal sa atin at ginawa niya tayong saserdote upang maglingkod sa Diyos at sa Kanyang Ama.  Ngayon mayroong isang katuruan sa bawat mananampalataya.  Bawat anak ng Diyos ay pare-parehong saserdote.  Ang bagong Tipan ay hindi kumikilala sa natatanging papel ng saserdote, o tagapag-alay sa madaling salita.

Sinabi ni Apostol Pedro sa mga mananampalataya na kanyang sinulat, "Bilang mga saserdoteng nakatalaga sa Diyos, maghandog kayo  sa Kanya ng mga haing kalugog-lugod.Pinili kayo ng Diyos upang maging kanya at magpahayag ng mga kahanga-hangang gawa Niya."  (1 Pedro 2:5, 9)

Pag-aalinlangan

Paano mangyayari sa maraming tunay na mananampalataya na hindi makaangkin ng lahat ng katiyakan na ibinibigay ng pananampalataya?  Kanilang nabatid na sila ay may kasalanan at nawawala.  Sila ay pumunta sa altar, ang krus kung saan iniligay nila ang kanilang sarili bilang handog.  Mayroong mga sandaling nanalig sila sa salita" Nilinis ng dugo ni Jesus na Kanyang Anak ang lahat ng ating kasalanan." (1 Jn 1:7).  Gayunpaman, sila ay nagpasalamat sa kanilang kaligtasan, Oo, ang magpasalamat ay napakahalaga dahil ibinilang kayo  sa mga hinirang na magmamana ng kaharian ng kaliwanagan. (Juan 1:12, 13; Col. 1:12)

Ngunit ang lahat sa kanilang paligid ay kaagad na nalungkot.  Kanilang nakita kasama ng kalumbayan na sila ay patuloy na nagkakasala na para bang sila ay katulad pa rin ng dati.  Kaya, naitanong nila, Ang kanila bang pagbabalik loob sa Diyos ay totoo?  Ang pagdududa ay pumuno sa kanilang puso.

Minsang tinubos, mananatiling ligtas.

Kinakailangan ba na tayo ay magbalik loob ng paulit-ulit?  Kailangan ba na ulitin natin ang paghingi ng katubusan sa pamamagitan ng dugo?  Palagi ba tayong madarapa at muling babangong muli?  Parati walang kasigaruhan?  Ito ay siguradong hindi umaayon sa kaisipan ng Diyos.  Mayroong hindi pagkakasunduan dito na magbubuhat sa hindi pagkakaunawa sa kahulugan ng altar at nang palangganang hugasan.

Ang altar ay nagsasabi sa mga hindi mananampalataya :

Ikaw ay isang makasalanan.  Sa pamamagitan ng paghihirap at pagkamatay ni Cristo doon sa krus, ang gawaing natapos na.  Ang Kanyang dugo ang nagbigay ng walang hanggang katubusan na makakamit ng sinumang umamin na makasalanan at naniniwala kay Cristo.  Ang kahalagahan ng gawaing ito ni Cristo ay mananatili magpakailanman.  Ito ay hindi na muling mangyayari.

Ang palangganang tanso naman ay nagsasabi sa mga mananampalataya.

Ikaw ay anak ng Diyos, ngunit ikaw ay patuloy pa rin na marurungisan ng kasalanan.  Ang maruming kaisipan ay kailangang mawala sa pamamagitan ng pagsisisi ng kasalanan.  Dahil dito ang Panginoong Jesus ang Siyang ating Tagapagtanggol sa Ama.  Siya ang naglilinis ng ating paa sa pamamagitan ng paglilinis ng tubig sa pamamagitan ng Salita.  Ito ay hindi na kailangan pang ulitin.

Ang Tubig na naglilinis

Ang palangganang tanso ang pangalawang bagay na matatagpuan papunta sa banal na lugar ng Diyos.  Ito ay puno ng tubig.  Ano ang kahulugan ng tubig sa banal na kasulatan?   Sa Efeso 5:26 ay sinasabi na "Nilinis Niya ang Iglesya sa pamamagitan ng tubig at ng salita".  At sinasabi rin naman sa Juan 15:3 "Nilinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyo".  Ang tubig sa mga siping ito ay kumakatawan sa paglilinis na ginagawa ng Salita ng Diyos para sa tao.

Dugo at Tubig

Pagkatapos ng pagkamatay ni Cristo, isang kawal ang umulos ng sibat sa Kanyang tagiliran at biglang dumaloy ang dugo at tubig.  Ang Dugo ay tumutukoy sa pagsisisi.  Ang Tubig ay tumutukoy sa paglilinis (1 Jn 5:6).  Ang dugo ng pagkatubos ay ginagamit sa tao sa oras ng kanyang pagbabalik loob.  Pagkatapos, mayroon nang palagiang pag-uulit ng paraan ng paglilinis sa tubig na siyang ipinapaala-ala sa atin ng palangganang tanso.

Oras na maintindihan natin ang kahalagahan ng pagsisisi at maranasan natin ang umulit sa pamamaraan ng paglilinis sa tubig at pananangan sa Salita ng Diyos, ang lahat ng pag-aalinlagan sa ating buhay pananampalataya ay mawawala.

Bahaging nasa Kanya at bahaging kasama Niya.

Ang mga tao sa Silangan ay hindi nagsasapatos o nagmemedyas ngunit sandalyas ang kanilang isinusuot.  Natural, ilang sandali lamang at ang kanilang mga paa ay magdurumihan, lalo na kapag sila ay pinapawisan tuwing mainit ang panahon.  Idagdag pa rito ang kanilang mga daan noon ay mas maalikabok kaysa ating daan ngayon.  Kaya ang pag-upo sa nadekorasyunang lamesa ng hindi nahugasan ang paa ay hindi pinahihintulutan, ito ay isang kaugalian na kailangang hugasan muna ng mga bisita ang kanilang mga paa bago dumulog sa hapag.  (Lucas 7:36-50).

Noong huling gabi sa Kanyang buhay, ang mga alagad ay nagtatalo-talo kung sino ang pinakadakila sa kanilang lahat, habang ang Panginoong Jesus ay hinuhugasan ang kanilang mga paa.   Siya ay naging alipin nilang lahat ngunit para kay Pedro ito ay kalabisan na, ngunit sinabi ng Panginoon, " Kung hindi kita huhugasan, wala kang kaugnayan sa Akin" (Juan 13:8).  Ano ngayon ang kahulugan dito ng pagpapahayag ng "bahaging kasama Ako"?.

Ang pagkakaroon ng malinis na paa ay hindi nakapagbibigay ng anumang bahagi Niya, tinanggap na natin ito doon sa altar, at doon sa krus.  Sa madaling salita kailangan natin itong panatilihin sa ating pang-araw-araw na buhay - dahil ito ang ating ugnayan sa Kanya.

Ang pangangailangan sa paghuhugas ng paa

Ang mananampalataya ay kinakailagang bumalik sa hugasan, ang Salita ang Diyos.  Walang sinumang makalalakad doon sa disyerto na makakaiwas na madumihan ang kanilang paa.  Kahalintulad ito ng bawat mananampalatayang narungisan ng  kasamaan, kahit na hindi niya napapansin na siya ay nakakagawa ng kasalanan.  Ang mga bagay na ating naririnig lalo na ang ating nakikita sa mundo ang siyang nakakarungis sa ating buhay.

Bagaman hindi tayo nakakagawa ng totoong kasalanan.  Gayunpaman kailangan nating maglinis ng paulit-ulit sa hugasang tanso.

Sino ang naghuhugas ng ating paa?

Gaano man kahirap paniwalaan , ang Panginoong Jesus mismo.  Sa pamamagitan ng tubig na nangangahulugan ng Salita ng Diyos, Siya ang gumawa nito para na rin sa Kanyang sarili.

Marahil ating narinig ang Salita o nabasa natin ito para sa ating sarili.  Ito ay may kapangyarihan na magsaliksik sa atin, upang ating makita ang kamaliang ating nagawa.  Ang banal na Kasulatan ay dalisay at walang kapintasan, nang sa ganoon ay kapagdaka nating malalaman ang mga bagay at ano mang mga kamalian sa atin" 

Ito ang Kanyang paraan upang mabatid natin ang mga maling gawa.  Siya ang naggagabay sa atin upang magsisi at tanggapin ang mga pagkakamali, tayo ay kapagdakang patatawarin.  Sa gayon ay magiging mga mananampalataya na may nilinis na buhay.

Ang paglilinis na ito ay dumating dahil ang Panginoong Jesus ang siyang ating Tagapamagitan sa Ama.  Sa 1 Juan 2:1, 2 ay sinabi, "Mga anak, isinusulat ko ito sa inyo para hindi kayo magkasala.  Ngunit kung magkasala ang sinuman, may Tagapamagitan tayo sa Ama  at iya'y si Cristo Jesus, ang walang sala.  Sapagkat si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan natin, at kasalanan din nang lahat ng tao".

Kailan tayo kailangang humingi ng kapatawaran ?

Ilang magkakaibigan ang nag-uusap patungkol sa paksa ng paghuhugas ng paa.  Sinabi ng isa "nakaugalian ko na tuwing Sabado ng gabi ang alalahanin ang mga hindi tamang bagay na nagawa sa nakalipas na araw at pagkatapos ako ay hihingi ng kapatawaran ng sa gayon sa pagsapit ng Linggo ay nagkakaroon ng isang masayang puso.  Sinabi naman ng ikalawa, ako ay hindi na nag-aantay na dumating ng Sabado ng gabi dahil iniisip ko na agad ang aking mga nagawa tuwing gabi bago ako matulog".  Kaya't sinabi naman ng ikatlo ang kanyang nakaugalian: " Sa tuwing ako ay nakagagawa o nakapag-sasalita ng mga mali, ako ay humihingi kaagad ng kapatawaran sa oras ding iyon, o kaya ay sa mas madaling paraan.  Sa oras na maisip ko na mali ang aking nagawa, ito ay kaagad kong hinahatulan at ipinagbabawal sa aking puso."

Alin sa tatlong ito ang ayon sa kalooban ng Panginoon?  Alin dito ang mas makatutulong sa mga iminumungkahi ng Diyos ?

Isang Bata

Kapag ang isang bata ay sumuway sa kanilang ama o ina siya ay nananatiling anak nila.  Ang kanilang relasyon mula pa noong siya ay ipanganak ay hindi na magbabago o matatapos.  Ngunit ang isang bata na suwail ay hindi magiging masaya o masisiyahan sa malapit na relasyon sa kaniyang ama - magkakaroon na ito ng hadlang sa pagitan nila.

Page 28 picture

Sa pagitan ng altar ay ang sunugan ng handog at sa sanktuwaryo nakatayo ang palangganang hugasan, na puno ng tubig.  Dito kinakailangang maghugas ng paa at kamay ang mga saserdote bago sila makapasok sa sanktuwaryo.  Dahil sa kanilang araw-araw na gawain at pinagdaraanan buhat sa buhangin sa disyerto, sila ay patuloy na nadurumihan.  Upang maipagpatuloy ang paglilingkod sa Diyos kinakailangan nilang maghugas sa palanggana ng paulit-ulit. 

Ito ay nasa bawat mananampalataya.  Bawat isang lumuluhod sa krus ay anak ng Diyos; siya rin ay isang saserdote.  Gayon pa man, sa oras na siya ay marumihan siya ay kinakailangang magbalik sa Diyos ng may pagsisisi.  Sa ganitong paraan siya ay muling lilinisin.

Ito ay kahalintulad ng isang mananampalataya na nagkasala.  Siya ay nananatiling anak ng Diyos, iyan ang katotohanan; ngunit siya ay naging suwail at hindi na magiging masaya.  Siya ay mawawalan ng kalayaan upang manalangin at makakalimutan na rin niya ang makipag-ugnayan sa Ama.  Upang mapanumbalik ang pakikipag-ugnayan, kinakailangan niyang magsisi ng tapat sa Ama.  Kailangan niyang lumapit hindi bilang isang nawawalang makasalanan sa Diyos kundi bilang isang anak sa kaniyang Ama.

Ito ang kabuluhan ng palanggana.  Ito rin ang dakilang kahalagahan sa buhay ng mga mananampalataya.  Ang palanggana ay nagpapaala-ala sa kanya na kinakailangan niyang lumakad ng maingat upang hindi siya makapagbigay ng kalungkutan sa kaniyang Ama at Tagapagligtas.  Ngunit kung saan man siya bumagsak at muling itinayo sa pamamagitan ng biyaya, siya ay makatatamo ng panibagong kapayapaan at pakikisama sa kaniyang walang makapaglalarawang manunubos.

Ang walang kapagurang Lingkod

Minamahal na kapatid, pahintulutan ninyo si Cristo na hugasan ang inyong paa.  Parating humingi sa kanyang kapatawaran upang mapanumbalik ang pakikipag-isa sa kanya!  Siya ay nalulungkot kapag ito ay hindi mo nagawa.  Sa magalang na salita, Siya ay nababagabag kapag ikaw ay malayo sa Kanya.  Kaya buksan ng malawak ang iyong puso para sa kanya.  Payagan mo Siyang tanggalin ang lahat ng balakid sa iyong kapayapaan.  Magagawa mo kaya ito?  Kapag nagkagayon magkakaroon ng higit na kapangyarihan sa iyong buhay, higit na biyaya at higit na magbubunga para sa Kanya.

Hindi mailalarawan ang kadakilaan ng pag-ibig sa atin ng ating Tagapagligtas!  Ang paghuhugas ng ating paa ay hindi kaaya-ayang gawain ngunit ito ay Kanyang ginawa ng paulit-ulit.  Sa lupa Siya ay Alipin nang lahat.

Hanggang ngayon, Siya ay ating Alipin.  Siya ay nananalagnin para sa atin.  Siya ay nabubuhay para sa atin kapag tayo ay nakasama Niya sa kaluwalhatian, hindi na Niya kailangan tayong hugasan ng paa ngunit ganon pa man Siya ay patuloy na maglilingkod sa atin.  Maging sa kalangitan Kanyang paglilingkuran ang mga nasa Kanya.  Gagawin Niya ito ng walang katapusan (tingnan sa Lukas 12:37).

Ang kabuuan ng katangian ay nararapat lamang para sa Kanyang sarili !

Ang sukat

Walang sukat na ibinigay para sa palangganang hugasan.  Ito ba ay sa dahilang ang biyaya na lumilinis sa panahon ng mga kristiyano ay walang katapusan?  sayang, kalimitan na nagagawa ng mga Kristiyano ay ang maligaw ng landas sa kanilang paglalakad at dahil sa mga kasalanan na ibinilang sa Kaniya.  Ngunit ang Diyos ay laging handa na mag-alis ng ating mga kahinaan at mapanumbalik tayong muli matapos na magsisi sa mga nagawang pagkakamali.  Ang Kanyang pag-ibig ay walang - hanggan.

Ang pambabaeng salamin

Saan ba nagmula ang tanso para sa palangganang hugasan?  Sa Exodo 38:8 ating mababasa na ang palangganang hugasan ay nagmula sa mga salamin ng mga kababaihan.  Ibinigay nila ito para sa gawain ng Diyos.  Sa mga panahong iyon wala pang mga kristal; ang mga salamin ay yari sa pinakintab na tanso.  Sa paano nila nagagamit ang mga salaming ito noong panahong iyon?  Ang mga kababaihan ay tinitingnan ang kanilang larawan, siguro upang hangaan ang kanilang sarili.  Noon ito aay nagsisilbing walang kabuluhan ngunit ngayon ay nasa mataas na kalalagayan.  Ibinigay nila ang kanilang salamin sa Diyos at pinayagan nila Siya na tunawin ito upang maging isang mamahaling bagay para sa Kanyang tahanan.  Isang bagong salamin ay nagawa dahil nagmula sa kanila, ngunit ngayon ay upang maghikayat na hatulan ang mga sarili at maging dahilan ng pagkabigo sa pamamagitan ng pagsusuri.  Sa salita ng Diyos na katulad ng tubig ang uri, ating masusuri at makikita ang ating sarili sa salamin.  Ang matutuklasan nating kamalian ay maiaalis at tayo ay magiging malinis.

Ang mga kababaihan ay nagbigay ng kanilang salaming tanso para sa Kanyang tahanan.  Ang Diyos ay nagbigay ng regalo at talento, tayo ano ang naibigay natin sa Diyos?  Pananatilihin ba natin itong nakatago sa ating sarili?  O kaya ay isusuko natin ito sa paglilingkod sa Kanya?  Kapag ginawa natin ito, Siya ay lilikha ng bagay na magiging maganda mula rito.  Kung ano ang ibinigay sa Kanya, ito ay Kanyang iibahin ang hugis.  Kanya itong lilinisin at gagamitin para sa Kanyang kapurihan at karangalan !

Modelo

Malaking bilang ng mga interesadong tao ang nagtayo ng mga modelo ng tabernakulo sa pinaliit na sukat.  Sila ay sumunod sa lahat ng detalyadong pagkakalarawan ng lahat ng kagamitan, bagay at sukat na nasa Exodo 25-40.  Ang modelo na inilalarawan sa aklat na ito ay hinango sa sukat na 1:25 (½ o 1 talampakan)  mula sa iba't-ibang larangan ng manggagawa, ayon sa pagtuturong ibinigay ng nasirang Ginoong Paul F. Kiene ng Switzerland.  Tunay na ginto at pilak ang ginamit sa modelong ito.

Kapag ating pagkukumparahin ang magkakaibang modelo, ating mapapansin ang kaunting pagkakaiba.  Ngunit noong panahong iyon walang pang nakaaalam.  Halimbawa, ang hugis ng palangganang tanso o ang eksaktong kinalalagyan ng mga anghel sa ibabaw ng makapangyarihang luklukan.  Ito ay sa dahilang tayo ay may sapat na kapaliwanagan ngunit kulang sa mga larawan.  Si Moses ay hindi na nangangailangan ng larawan.  Ang Panginoon na mismo ang nagpakita sa kanya ng buong hugis at disenyo doon sa bundok.

(Exodo 24)

Sa atin, ang Diyos ang nag-alis ng lahat ng walang kinalaman sa ispirituwal na kahulugan, gayunpaman, siya ang nagbigay ng lahat ng kaalaman sa paglalagay ng mga kakailanganin upang dalhin ang kanyang kaalaman patungkol sa Kanyang tahanan.

Page 31 picture

Ang apat na panaklob ng tabernakulo ay nakalagay sa pagitan ng bawat isa.  Dito, gayunpaman ay may mga bahaging hindi natatakluban upang ating makita ang bawat panaklob.  Ang simbolo ng kahulugan ng mga kulay nito ay ipinapaliwanag sa Biblia.  Ito ang nagsasabi sa atin ng mga bagay patungkol sa kaluwalhatian ng Diyos.

Ang Bastidor

Ngayon ating pag-aralan ang pagtatayo ng Bahay. Bawat bastidor ay may 10 yarda ang haba (15 talampakan) at 1 ½ yarda ang lapad

(1 ¼) talampakan).  Ang lahat ay umaabot sa 48 bastidor.  Ang kaparehong kahoy o akasya ang siya ring ginamit sa altar, ang kahoy na ito na nagmula sa lupa ay tumutukoy sa katotohanang ang Panginoong Jesus ang tunay na tao at isinilang sa mundo.

Ginto

Isang katakot-takot na rami ng ginto ang kinakailangan.  Sa pamamagitan nang kalinga ng Diyos sa mga Israelita ito ay kanilang nakamtan kasama ng ibang kayamanan noong umalis sila sa Egipto (Ex. 12:35-36).  Sa loob ng sanktuwaryo ang kinang ng ginto ay isang maganda at kahanga-hangang tanawin!

Ang ginto ang pinakamahalagang metal ay matatagpuan sa lahat ng parte ng Biblia.  Simula sa Halamanan ng Eden sa Genesis 2.  Sa larangan ng kasaysayan, ang ginto ang pinakaaasam na makamit higit sa ano pa man.  Kahit sa Pahayag 21, ating mababasa na sa Bagong Jerusalem ang kasaganaan sa ginto ay ating matatagpuan.  Ito ang bayan na inilarawan na mayroong kaluwalhatian ng Diyos at lantay na ginto.  Ang ginto ay tumutukoy sa langit, ang Diyos ng kaluwalhatian.

Ang kahoy ng tabla ay gumaganap bilang tunay na katauhan ni Cristo, at ang ginto ang kanyang banal na kaluwalhatian.  Sa Kanyang layunin sa lupa Siya ang Diyos at tao sa iisang Katauhan, Diyos na ipinahahayag sa katawan.  (1 Tim. 3:16)  sa unang tingin ang makikita ay Siya bilang tao ngunit makalipas ng ilang sandali ilan lamang ang makakatuklas ng ginto sa Kanyang pagka-Diyos.  Sa Ama, ito ay isang kabaligtaran, kagaya ng bastidor ng tahanan na ito.  Siya  ang unang nakakita ng ginto, ang pagka-Diyos ng kanyang Anak.  Ngunit ang paningin ng Ama ay tumatagos hanggang sa malayo: kumukubli sa tunay na katauhan Niya. 

Isang kristiyano ang inihalintulad sa isang kahoy na bastidor; siya ay tao ng sanlubutan.  Ngunit siya ay nalalatagan ng ginto.  Ito ay isang dakilang himala ngunit ang biblia ang nagsasabi na ang bawat mananampalataya, bawat anak ng Diyos ay nadaramitan ng kabanalan ng Diyos (2 Cor. 5:21).  Katulad ng nangyari sa alibughang anak sa Lucas 15, siya ay tumanggap ng pinakamahusay na damit mula sa Kanyang ama upang ang bawat mananampalataya ay makapagsabing "sa ginawang ito'y pawang malulugod, siya'y parang dinamtan ng kaligtasan at pagtatagumpay."  (Isa. 61:10).  Katulad ng ginto na bumabalot sa bastidor, hindi ko lang matiyak kung yao'y pangitain o tunay na pangyaya "Ang Diyos lamang ang nakakaalam".  Ang Diyos lamang ang nakakaalam (2 Cor. 12:2) samakatuwid, siya ay nadaramtan ng kaluwalhatian ng Diyos.

Ang Diyos ay naninirahan kay Cristo

Noong panahon ng mga tao sa Israel, ang bastidor ay nababalutan ng ginto na bumubuo sa dingding ng tabernakulo.  Dito ang lugar kung saan naninirahan ang Diyos.  Kapagdaka, ang Anak ng Diyos ay dumating sa mundo.  Pagkatapos ang Diyos ay nanahan sa kanya, sa Panginoong Jesus, "Ipinasiya ng Diyos na ang Kanyang kalikasan ay manatili rin sa Anak".  (Col. 1:19).

Ang Diyos ay naninirahan sa bawat mananampalataya

Ngayon na si Cristo ay natanggap mula sa kalangitan, ang bawat mananampalataya ay naging tirahan, isang templo kung saan ang Diyos ang Banal na Espiritu ay naninirahan.  Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Diyos?"

Ang Diyos ay nananahan sa Simbahan

Ang bastidor na ito na nakatayo ng magkakatabi ay nagpapakita ng paninirahan ng Diyos sa mundo.  Kapareho kung saan ang Diyos ay nananahan sa ating buhay.  Layunin ng Diyos na ang lahat ng mananampalataya ay magkaisa sa tahanan kung saan ang Diyos ay naninirahan ngayon.  Siya ngayon ay hindi na naninirahan sa materyal na bahay na ginto o maging sa batong templo noong panahon pa ni Solomon.

Ang tahanan ng Diyos ang Siyang simbahan ng buhay na Diyos kagaya ng sinasabi sa 1 Timoteo 3:15.  Sa Efeso 2:22 naman ay nagtuturo sa atin na ang mananampalataya ay binuo para sa Espiritung tahanan ng Diyos.  Ito ay sapat na malinaw!  Ang tanong na "Kaninong Tirahan Tayo" ay salita ng mga Hebreo.  Ang mananampalataya sa bagong Tipan ang humubog sa Tahanan ng Diyos katulad ng mga mamamayan ngayong panahong ito.

Lahat ng tunay na anak ng Diyos ay hinubog sa simbahan ng Diyos.  Sila ay inihalintulad sa unang aklat ni Pedro Kapitolo 2 bilang "mga batong buhay, na naging sangkap ng isang templong espirituwal at mga saserdoteng nakatalaga sa Diyos."

Ang katotohanang ito ay nagagamit pa hanggang ngayon !

Nakakalungkot isipin na ang mga mananampalataya ay hindi na magkakaagapay katulad ng bastidor dahil sila ay nagkakaroon ng hidwaan at paghahati-hati.  Sa maikling panahon bago magsimula ang simbahan, ang pagkakaisa ay patuloy na maliwanag.  Si Pablo ay sumulat sa Corinto, "Tayo ang templo ng Diyos na buhay!  Siya na rin ang may sabi:  mananahan Ako at mamumuhay sa piling nila." (2 Corinto 6:16).  Gayunpaman,  maaaring mabatid ng ating puso ang pagkakaisa ng lahat ng mananampalataya, ang pagiging isa ng lahat ng tunay na anak ng Diyos.  Maaaring magkasama - sama tayo sa batayan ng pagkakaisa.  Ito ay ating maiisip at mararanasan kahit sa panahong ito.  Siya ba, na Siyang nagtatag ng bawat detalye ng panlupang pagsamba ng Israel ay hindi - hindi ipapatnubay sa kanyang mga anak sa ating panahon?  Natural na gagawin Niya ito!  Ngunit saan natin matatatagpuan ang Kanyang pagpatnubay?  Saan pa ba kundi sa Kanyang Salita !

Tayo ayon sa Kanyang Salita dapat na humiwalay sa mga hindi mananampalataya (2 Cor. 6:17) at mamuhay ng payapa, kasama ng mga taong may malilinis na puso at tumatawag sa Panginoon (2 Tim. 2:19 - 22).  Pagkatapos tayo ay magsasama - sama sa Pangalan ng Panginoong Jesus.  Ang pagtitipon  para sa Kanya o sa Kanyang Pangalan ay pagsasama upang palibutan Siya, ang Panginoong Jesus ang Siyang nasa Gitna.  Siya ang nangunguna.  Doon sa mga nakasusumpong sa patakaran niya ay magkakamit ng Kanyang pangako na ibinigay sa Mateo 18:20, Siya ay naroon sa kanilang kalagitnaan.

Page 34 picture

Kapag inalis ang tabing ng tolda, makikita natin ang loob ng Dakong banal.  Ang dingding na may 10 yarda ang taas na nababalutan ng ginto.  Ang ating unang mapapansin ay ang kurtina ng dakong banal.  Pagkatapos, makikita natin ang gintong ilawan na nagbibigay ng liwanag.  Sa kanan naman nakatayo ang lamesa na kinalalagyan ng mga tinapay at sa may likuran nito ay ang gintong altar para sa sunugan ng kamanyang.  Sa kabila nito nakasabit ang tabing ng dakong kabanal-banalan.  Ang lambong na ito ay napapalamutian ng kerubin.  Sa kabila ng huling tabing matatagpuan ang Dakong Kabanal-banalan o ang dakong pinakabanal kasama ang Arko kung saan nananahan ang Diyos.  Dito isinasagawa ang kanilang gawain.  Walang sinuman ang pinahihintulutan na makapasok sa dakong kabanal-banalan maliban sa mga mataas na saserdote isang beses isang taon at ito ay sa araw ng pagsisisi.

Sa ating panahon ito ay ganap na iba.  Noong ang Panginoong Jesus ay namatay, ang tabing ay napunit at ang pintuan papunta sa Diyos ay nabuksan!

Ang lahat ng bastidor na ito ba ay magkakakonekta?  Exodo 26: 26-29.

Mas malamang na hindi.  Ang butas na bariles ay pinagsama ng mga buklod, ang apat na baras na bakal ay isusuot sa pamamagitan ng arolyang ginto na maghahawak sa mga bastidor upang manatiling nakatayo.

Sa pasimula, noong ang simbahan ay bago pa lamang nagsisimula (Gawa 2), mayroong apat na bagay ang pinagsama-sama.  Sa kabanata 42 sinasabi na sila ay :

  Nanatili sa mga turo ng mga apostol,

  Sa pagsasama-sama bilang magkakapatid

  Sa pagpipira-piraso ng tinapay

  At sa pananalangin

Maliban dito, mayroong pang buklod na hindi na makikita sa labas; ito ay nasa gitna ng bastidor.  Ang tarangkahan ito ay nagsabing

" Higit sa lahat, mag-ibigan kayo pagkat ito ang buklod ng ganap na pagkakaisa (Col. 3:14).

Ang Pundasyon

Exodo 26:19 - 25

Ang pinakamahalagang bagay sa pagtatayo ng bahay ay ang pundasyon.  Dahil dito, ang pundasyon ng bahay na ginto ay kinakailangang matibay, dahil ito ay itatayo sa buhangin doon sa disyerto.

Tinitiyak ng dakilang Arkitekto na ang tuntungan ng kanyang tahanan ay binubuo ng malaking tipak ng pilak, at bawat tipak ay bumibigat ng 90 libra.  Dalawang tipak ang inilagay sa bawat isang bastidor.  Lahat ng bastidor ay may 2 mitsa o pandagan sa ibabang hulihan, at sa bawat tipak ng pilak ay mayroong butas.  Bawat pandagan ay kumakasya sa butas ng mga pundasyong pilak.  Isang mamahaling pundasyon!

Ang Pilak

Exodo 30: 11-16; 38:25:28

Saan ba nagmula ang lahat ng pilak na ito?  Sinabi ng Diyos kay Moses na bilangin ang lahat ng Israelita at lahat ng dalawampung taon hanggang limampu ang edad.  Lahat ng mabibilang sa senso ay hihingan ng pantubos sa kanilang buhay.  Ito ang tinatawag na pagbabayad puri sa pamamagitan ng salapi o pilak.  Pareho ang halagang ibabayad na pantubos ng mayayaman at ng mahihirap.  Sila ay magbabayad ng kalahating siklo ayon sa timbangan ng templo.  Ang panuntunang ito ay nanatili maging sa ating panahon: ang isang tao ay ibinibilang lamang sa mga tunay na tao ng Diyos, bilang kasapi ng simbahan ng Panginoong Jesus kapag ang pambayad puri ay nabayaran na para sa Kanya.

Ang tuntungan ng tabernakulo ay ginawa mula sa pilak na ito.  Bawat isa sa 48 bastidor ay mayroong dalawang patungan.  Ang buong tahanan ng Diyos at bawat isang bastidor samakatuwid ay nanahan sa halaga ng pagtubos na ibinayad.

Ang kabuuan ng Biblia, ang pilak ay ginagamit bilang pambayad.  Si Abraham ay bumili ng bukirin sa halagang 400 pirasong pilak; si Jose, isang batang lalaki ay ipinagbili ng 20 pirasong pilak; Si Judas ay ipinagbili ang kanyang Panginoon sa halagang 30 pirasong pilak.  Sa ibang lengguwahe rin ay may kaparehong salita para sa pilak at para sa salapi.  Sa Biblia ang pilak ay ginamit bilang isang uri ng pagbabayad ni Cristo para sa pagbabayad-puri.  Ang kabayaran ay ang kanyang natatanging dugo.  Walang katumbas na kabayaran!

Ang tahanan ng Diyos ay itinayo sa ating panahon sa hindi makasariling hangarin.  Ang kabayaran ng pambayad puri ay isang mataas na kabayaran na Tanging ang ating Manunubos ang nagbayad para sa ating katubusan.  Isipin mo na lamang, kung anong katuparan nito sa simbahan at itinala sa tahanan ng Diyos ay may dakilang pinagmulan.

Tayo ay hindi tinubos o binili ng ginto o pilak kundi ng dakilang dugo ni Cristo bilang isang korderong walang batik at kapintasan.

(1 Pedro 1:18 - 19).

Page 37 picture

Pagkatapos na maitayo ito kasama ng mga dakilang bagay na ayon sa plano ng Diyos, ang kaluwalhatian Niya ay bumaba upang manahan dito.  Ang Kanyang prisensya ay natatanaw sa haliging ulap sa katahimikan ng sanktuwaryo, sa ibabaw ng lugar kung saan matatagpuan ang arko.  Dito makikita natin ang taos-pusong pagkakilala sa kabanalan ng Diyos na humihingi ng kahatulan sa mga makasalanan.  Ganun pa man, tingnan din natin ang apoy sa altar!  Ang Diyos ang nagsagawa ng pagpaparusa na Siya mismo ang naglaan: Ang kamatayan ng Kanyang bugtong na Anak.

Ngayon ang daan patungo sa Diyos ay bukas sa lahat ng gustong lumapit.  Sa mga wala naman sa Kanya ay walang buhay kundi walang hanggang pagkawasak.  Isang magiliw na paanyaya ang ipinapaabot para sa lahat. Dahil sa Kanya at sa Kanyang Tahanan sa kalangitan ay walang katapusang kaluwalhatian.

Ang Ulap

Ang ulap ay nakatigil sa tabernakulo.  Sa lugar kung saan ang arko ay nakatayo.  Ang ulap na ito ay nagpapakita na ang Diyos ay naroroon.  Ito ang nagsisilbing gabay habang ang mga tao ng Diyos ay naglalakbay (Ex. 40:36-38).  Kapag ang ulap ay tumataas mula sa tabernakulo, ang gawain ay kailangang ihinto ayon sa Bilang 4.  Ang buong bansa ay kailangang maghanay para sa kanilang pag-alis.  Pagkatapos sila ay magpapatuloy.  Ang Diyos ang kanilang gabay.  Patungo Saan? Sa direksyon na itinuturo ng Diyos sa pamamagitan ng ulap.   Gaano kalayo ang kanilang lalakbayin?  Hanggang sa lugar kung saan titigil ang ulap.  Pagkatapos muli nilang itatayo ang tabernakulo at ang ulap ay muling titigil sa Kanyang lugar.  Sa Bilang 9:15 - 23 ating matatagpuan ang isang malinaw na paglalarawan nito.  (tingnan din ang kapitolo 10:33 - 36).

Paano naman tayo?  Wala tayong haliging ulap.  Gayon pa man, habang tayo ay naririto sa mundo na siyang nauukol para sa Kristiyano, tayo ay mayroong mabuting Pinuno.  Hindi man sa hugis ng nakikitang ulap kundi sa Banal na Espiritu na Siyang nananahan sa atin.  Sinumang lumapit sa Diyos bilang makasalanan at naniwala sa Panginoong Cristo Jesus ay magkakaroon ng dakilang Panauhin na mananahan sa kanya.  Ang Efeso 1:3:13 at 1 Corinto 6:19 ang makapagpapatunay nito.

Ang Banal na Espiritu ang siyang nangunguna sa mga mananampalataya kapag ipinapahayag nila ang kanilang kalayaan sa panalangin.  Sinuman ang magsabing: "Hindi ko alam ang daan, Panginoon, pangunahan mo ako! Ikaw ang aking maging Gabay!"  Siya ay magiging matiwasay at iingatan upang hindi maligaw ng landas.  "Aking ituturo ang yong daraanan, Ako ang sa iyo'y magbibigay - payo,kita'y tuturuan. (Awit 32:8)

Ang apat na kulay

Ang tabing ng tabernakulo ay hinabi at binurdahan ng may apat na kulay: puti, asul, murado at pula.

Ating tingnang mabuti ang mga kulay na ito at tuklasin kung ano ang sinasabi ng Salita patungkol dito.  Sa pagpapatuloy, ating mapapansin na ang mga ito ay tumutukoy sa maraming bagay tungkol sa Panginoong Jesus.  Maaari bang kabaligtaran?  Siya ay maraming kaluwalhatian at ang tabernakulo ay naglalarawan ng maraming mukha ng Kanyang kagandahan.  Ang Diyos Ama ang lubos na nakakakilala sa Kanya" (Mateo 11:27).  Ang Ama ay nalulugod na ipakita sa kanyang mga Anak ang mga kayamanang nakatago sa Kanyang mahal na Anak.

Sa apat na ebanghelyo, apat na iba't-ibang aspekto ng pagkatao ng Panginoon ang inilarawan.  Ating makikita ang apat na angulo ng Kanyang pagkatao sa apat na kulay ng tabernakulo.

Puting Lino

Ang unang kulay ay puti.  Ang puting lino ay tumutukoy sa kadalisayan at kabanalan.

Ang puti sa kurtina ay tumutukoy sa kadalisayan ni Cristo.  Isipin ang dakilang trono sa Pahayag 20 at ang kadalisayan ng puting lino ay nagpapatunay ng kabanalan ng mga santo sa Pahayag 19:8.   Sa puting lino makikita ang Kanyang dalisay at perpektong buhay, na handang mag-alay ng serbisyo sa Diyos at sa tao.  Siya ang perpektong tao at tapat na Lingkod.  Sa ebanghelyo ni Marcos Siya ay inilarawan sa kaliwanagang ito.

Asul

Hindi napakahirap na intindihin ang ibig sabihin ng kahulugan ng asul.  Tingnan mo lang ang kalangitan.  Si Cristo ay tinawag na Panginoong mula sa kalangitan (1 Corinto 15:47), at Panginoon ng kaluwalhatian (1 Cor. 2:8).  Noong panahon Niya sa Lupa Siya ang "Natatanging nagmula sa langit" (Juan 3:31) gayundin, "Ang Nag-iisang nasa kalangitan (Jn. 3:13).

Siya ay nagkatawang tao, ngunit Siya ay nanatiling Anak ng Diyos, Siya ang Diyos Anak.  Si Cristo Jesus ang tuany na Diyos at buhay na walang hanggan (1 Jn 5:20).  Bilang Anak ng Diyos ating makikilala Siya ng lubos sa ebanghelyo ni Juan.

Murano

Ito ang pinakamahal na materyales. Isinusuot lamang ito ng mga Hari at mayayamang tao.  Ito ay kapansin-pansin kung kaya't sa Banal na Kasulatan ang Murano ay makikita lamang sa labas ng bansang Israel at lalong lalo na sa mga dakilang imperyo ng hukuman.

Ang Murano ay kumakatawan sa pangkalahatang kayamanan.  Ito ay konektado sa kaluwalhatian ng Panginoong Jesus bilang Anak ng Tao na makikita sa Awit 8, kung saan ang lahat ay tumatalakay sa Kanya.  Ito ay kung paano natin Siya makikita sa ebanghelyo ni Lucas.  Ang Anak ng tao,  sa kabila ng paghihirap at kamatayan ay nanatiling Panginoon ng panginoon at Hari ng mga hari.

Pula

Ang kaibahan ng Pula sa Murano ay nangyari sa kasulatan na may kaugnayan sa Israel.  Katulad din ng ibang kulay ito ay napakahalaga.  Ang Panginoong Jesus ay nagtataglay ng ganitong kadakilaan at maharlikang kaluwalhatian bilang Hari ng Israel.  Sa Mateo 27:28 lamang natin Siya makikita na nagsuot ng pulang balabal.  Ang Kanyang paghahari sa Israel ang siyang dakilang paksa ng ebanghelyo ni Mateo.

Kapansin pansin na libo-libung mabagal at hamak na tao ang nagbigay ng kanilang buhay sa paggawa ng asul, murano at pulang pangkulay.  Sa pamamagitan ng mga kulay na ito ating maaalaala parati ang kamatayan ng inaalay na mga handog .

Footnote:  page 39

Sa hukom 8:26 ang Hari ng mga Midianita ay nakasuot ng muranong balabal.  Ang iba pang lugar na may kagunayn sa murano ay ang Tyre, 2 Cor. 2:13-14; Persia, ester 1:6; 8:15; Eliseo, i.e. Javan at Griego, Ezek 27:7; 1 Cor:1:7; Syria, Ezek 27:16, Babylonia, Dan 5:29.  Ang laaht ng mga bansang ito ay pumapaikot sa buong Israel. 

Tatlong Pasukan

Ang tarangkahan ng tabing na pumapalibot sa patyo ang unang pasukan.  Sa pamamagitan nito ang bawat isa ay makapapasok sa patyo.

Ang ikalawang pasukan ay nakapinid sa pamamagitan ng tabing sa banal na lugar.  Sa pamamagitan nito ang mga saserdote lamang ang may karapatang pumasok upang ganapin ang kanilang tungkulin.

Ang ikatlong pasukan ay isang tabing na nagsasara sa kabanal-banalang lugar.  Maging ang mga saserdote ay hindi pinapayagang makapasok dito maliban sa mga mataas na saserdote isang beses sa isang taon, sa oras ng pagsisisi.

Ang tatlong tabing ay inilagay ayon sa mga itinalagang kulay.  Ngunit ang ikatlo, ang tabing sa kabanal-banalang lugar ay naglalarawan din sa anghel.  Ito ay sumisimbolo lamang na ang mga banal na nilalang na ito ay palaging nagpapakilala sa kaluwalhatian ng Diyos.  Sa likod naman ng mga tabing na ito ay ang arko, kung saan nananahan ang Diyos.

Ang Unang tabing, ang tarangkahan ng patyo, ay may 20 cubiko ang haba at tulad ng kurtina sa patyo, ang taas nito ay 5 cubiko.  Ang dalawang kurtina sa banal na lugar ay may 10 cubiko ang luwang at 10 cubiko ang taas samantalang ang una ay naiiba ang luwang, ang iba naman ay makipot at mataas.  Makikita natin ang ibig nitong ipahiwatig sa ating pagpapatuloy.

Libreng pagpasok

Sa unang pinto, ang Diyos ay nag-aanyaya sa mga makasalanan, masasayang nilalang o kung sino man na gustong pumasok.  Sila ay naging ligtas mula sa kasalanan at habang panahong pagpapalain.  Kung ating mapapansin na kapag nakita na natin na kapag sinasabi nila ang tungkol sa palangganang hugasan ng kasalanan sila ay nagsasalita hindi bilang makasalanan kundi bilang isa na ring saserdote.  Sa panahon ngayon mula sa panahon ng Bagong Tipan sila ay pinapayagang makapagpatuloy hanggang mismo sa makalangit na sanktuwaryo.

Ngunit sa kasawiang - palad sila ay hindi pinapayagan na makapagpatuloy hanggang sa altar.  Natagpuan ba nila ang tabing na makipot, mataas at banal?  Nakapagpatuloy pa ba sila? Mas magiging masaya sila kung sila ay nakapagpapatuloy pa, ngunit hindi nila nagawa.  Nakalulungkot isipin!  Nawalan sila ng pribilehiyo na makapasok sa bawat hakbang sa loob ng Tahanang Ginto.

Kailangan pa ba nating antayin na nawala sa mundo bago tayo makapasok sa kalangitan?  Kung ang ating makalupang katawan ang tatanungin ito ay totoo, maging sa ngayon ang bawat Kristiyano ay may malaking pribilehiyo na makapasok sa presensya ng Diyos bilang isang saserdote na nag-alay ng spiritual na handog bilang papuri at pagsamba.

Siya ay pinapayagan na gawin kung ano ang dating ipinagbabawal na gawin ng mga saserdote:siya ay makapapasok sa ikatlo, sa huling tabing at makapagpapatuloy sa kabanal-banalang lugar, sa kaloob-loobang sanktuwaryo hanggang sa pangunahing presensya ng trono ng Diyos.

Nang ang Tagapagligtas ay namatay sa krus, ang tabing sa kabanal-banalang lugar ay nahati sa gitna, mula sa itaas hanggang ibaba.  Ito ay gawain ng Diyos at hindi ng tao, dahil ito ay napunit mula sa itaas hanggang ibaba.  Ang kamatayan ni Cristo ang nagbukas ng daan patungo sa kaluwalhatian ng Diyos.

Ating makakamtan ang buong kalayaan upang makapasok sa sanktuwaryo sa pamamagitan ng tabing.  (Heb. 10:19-20).  Ang pribilehiyong ito ay para sa iyo ganoon din sa akin, bilang magkakapatid kay Cristo.  Ating ipagmalaki ang kahalagahang ito! 

Ang tabing ay nahati: ang ating kaluluwa ay nakalapit sa kaharian ng biyaya.

Ang kahalagahan ng Diyos ay nakita, Na siyang pumuno sa banal na lugar

Ang Kurtina ng tolda

Ang tabla ng mga dingding at haligi kung saan ang kurtina na nakasabit ang siyang balangkas ng gusali.  Sa kabila ng mga balangkas na ito ay ang malalaking kurtina ng templo na nakalatag:sama-samang ikinabit bilang bubungan ng gusali.  Sila ang nagkukubli sa Bahay na Ginto at nangangalaga laban sa hangin at panahon.

Sinomang tumayo sa Dakong Banal o Dakong Kabanal-banalan at tumingin sa itaas ay mababalot ng paghanga.  Katulad din ito ng pagtingin ng diretso sa kalangitan.  Dito iyong makikita ang magandang kurtina na may apat na kulay na nababalutan ng may kasamang anghel bilang paalala sa Kanya na: Ang Isang Banal ay naninirahan dito !  Ito ang pinakamababa sa apat na kurtina na bumabalot sa buong tabernakulo.  Ito ay may 40 sa 28 yarda.  Sa ibabaw nito ay nakalatag ang ikalawang kurtina na yari sa buhok ng kambing.  Ito ay may 30 sa 44 yarda, mas malaki kaysa sa ilalim na kurtina at ito ay tinatawag na Tolda sa ibabaw ng tabernakulo.

Ang "toldang" ito ang nangangalaga sa magandang kurtina sa ilalim at nagsisilbing tapapagbantay, ito rin ay naghihiwalay sa buong gusali mula sa kapaligiran.  May sinasagisag ang mga panakip na kurtinang ito, lalo na ang ikalawa na nangangahulugan ng paghihiwalay.  Ibig sabihin nito, ang Bahay na Ginto ay inihiwalay o ibinukod mula sa mundo at sa lahat ng hindi nararapat sa harapan ng Diyos.  Ang tunay na mananampalataya ay pinagsama para sa tahanan ng Diyos at kailangang makilala bilang may parehong katangian.

Dapat nating malaman na ang paghihiwalay ay hindi isang kahigpitan sa mga hindi mananamapalataya, kundi ito ay para sa ating sarili, upang tayo ay mapahiwalay sa kasamaan.  Si Cristo ay malinaw na nakalakad ng matuwid noong Siya ay naririto sa lupa.

Balat ng tupang lalaki na kinulayan ng pula ang bumubuo sa ikatlong pantakip.  Isang tupang lalaki ang pinatay bilang pagtatalaga sa mga saserdote sa oras ng kanilang pagpapakabanal para sa paglilingkod sa Diyos.  (Ex. 29:15-35; Lev. 8:2).  Ang hayop na inihandog ay tumatayo bilang isang lubusang pagmamahal ng Anak sa Ama: pagsunod hanggang sa kamatayan sa krus!  (Fil. 2:8).  Kinulayan ng pula upang makapagpalakas sa ala-ala ng Kanyang kamatayan at pagbubuhos ng dugo.

Ang labas na pantakip ay gawa sa pinong balat ng baka.  Sa labas ang balat na ito ay hindi kaaya-ayang tingnan.  Katulad ng isang taong hindi nagsisisi ng kasalanan at hindi kumikilala sa Diyos.  Ngunit ang bawat isa na nakakikilala sa Kanya ay nakatitiyak na siya ay ligtas at makapananahan sa Kanya.  Ang panlabas na kapintasan ay hindi makababawas sa kahalagahan ng pantakip na ito.  Katulad din ni Cristo, ang Natatanging hindi mapapalitan na kahit ang kasalanan ay hindi makalalapit sa Kanya.

Si Cristo ay makatatayo sa lahat ng tukso at lahat ng pakikipaglaban.  Sa ilalim ng Kanyang pagmamahal tayo ay ligtas at mapangangalagaan kasama Niya.

Kailangan ng Manggagawa! Exodo 31:1-11

Ito ay nangangailangan ng may kakayahan at kaalaman tungkol sa lahat ng gawain upang gumawa ng masining na palamuting yari sa ginto, pilak at tanso. Kinailangan ang mga taong marunong magtabas at mag-ayos ng bato, magtrabaho sa mga gawaing kahoy at lahat ng uri ng gawain na kinasanayan nilang gawin.

Ang dalawang lalaki ang tinawag ng Diyos at hinirang upang gumawa ng mga ito.  Sina Bezalel (" sa ilalim ng anino ng Diyos" ang ibig sabihin ng kanyang pangalan) at Oholiab ("kanlungan ko ay ang Ama" naman ang ibig sabihin).  Ang kanilang pangalan na Besalel at Oholiab ay nagpapakilala na sila ay nabubuhay ng malapit sa pakikipag-isa sa Diyos.

Kay Bezalel ay ating mababasa; "Pinuspos Ko siya ng Espiritu ng Diyos" (Ex. 31:3).  At hindi lamang si Oholiab ang nag-iisang maaaring tumulong.  Sa Exodo 31:6 ay sinabi ng Diyos:"Binigyan ko rin ng kakayahan ang lahat ng manggagawa, para magawa ang lahat ng bagay na iniutos ko sa iyo."

Sa ngayon, bayaan ninyong mapuspos kayo ng banal na espiritu (Efeso 5:18) at pagkalooban ng karunungan (Santiago 1:5), upang siya ay makatulong sa pagtayo ng bahay na Ginto sa lupa (1 Cor. 3:10-15 ; 1 Ped. 2:5).

Bawat isang Israelita ay nakapagdadala ng mga kagamitan at regalo upang makatulong sa gawain (Ex. 25:1-9; 35:20-24). Mas may marami pa tayong magagawa kaysa rito.  Maaari nating ibigay ang ating sarili maging ang ating buong buhay at hindi na kailangan ang ating mga pag-aari.  Maaari tayong magbigay ng kusang loob at hindi na kailangang pilitin.  Ang ating Diyos ay karapat-dapat ng makalibong ulit.  Bukod doon, kung ano man ang ating itago para sa sarili ay kailangang iwasan at kalimutan dahil nawawala rin ito; at kung ano ang ating ibinigay sa kanya ay magiging pakinabang at mananatiling sa atin magpakailanman.

Ang mga kababaihan

Sino ang naghabi at nagburda ng mga kurtina at panakip?  Ito ay isang napakalaking gawain!  Ang dakilang gawaing ito ay walang alinlangang tinapos ng mga kababaihan.  Ang mga kababaihan ay hindi pinahihintulutan na gumawa ng mga gawain ng saserdote sa tabernakulo maging sa paglilingkod ng mga levita.  Ngunit ang Diyos ay may espesyal na tungkulin para sa kanilang mga sensitibong daliri: ang paghahanda ng panakip, ang panlabas ng Kanyang tahanan.  Napalitan ba ang ganitong paglilingkod?

Hanggang sa ngayon ang isang babaing makadiyos ay may mga maselang tungkulin bilang natatanging responsable para sa mga tela at panakip ng mga lingkod ng Diyos kung saan sa gitna nila Siya ay nananahan.  Kailangan niyang pangalagaan hindi lamang ang kanyang panlabas na anyo kundi maging ang kanyang buong pamilya.  Ito ay inuumpisahan sa mga anak.  Siya ba, sa pamamagitan lamang ng mga damit na isinusuot ay nakakapagturo sa kanila ng kayumian?  Lalo na kung ikaw ay isang ina na humuhikayat sa kanilang mga nagugustuhang pananamit at panlabas na kaanyuan at sa pangkalahatan.  Ang ina ang siyang nakakaalam rin maging ang magiging ayos ng ama; maging kung ang buong pamilya ay nakadamit ng ayon sa kanyang desisyon.  Isang gawain ng babae na pagtiyagaan ng may pagmamahal ang pagbuburda ng pantakip ng tahanan ng Diyos, ang kapulungan!

Kung paano hinabi ang panakip na nagsisimbulo sa kaluwalhatian ni Cristo ganundin ang magkapatid na babae kay Cristo sa pamamagitan ng kanyang pag-uugali, salita at ng nagagawa niya at kung paano naipapakita niya kung ano ang kahalagahan ng Panginoong Jesus sa kanya.

Ang Dakong Banal

Ano ang mga bagay na matatagpuan sa dakong banal?  Ang lalagyan ng ilaw, lamesa para sa Tinapay ng Presensya, at ang altar ng insenso.

Ang Ilawan Exodo 25:31-40

Ano ang unang bagay na iyong makikita sa dakong banal?  ang liwanag, ang ilawan.  Ang Diyos ang ilaw.  Si Cristo ang ilaw ng sanlibutan (Jn. 9:5) ang lalagyan ng ilaw ay hindi lamang dalisay na ginto, hindi basta hinulma at pinukpok kundi hinubog sa isang talento ng dalisay na ginto ng isang mag-giginto sa pamamagitan ng martilyo.  Siya na tunay na ilaw ay nagdusa at binugbog sa malubhang dagok sa paghuhukom ng Diyos.

Ang katawan ng ilawan ay may anim na sanga na siyang bumubuo sa lahat.  Ang pitong lalagyan ng langis na nakalagay dito ang siyang nagbibigay ilaw sa kadiliman.  Ang lampara ay puno ng langis ng olibo, na siyang tipo ng Banal na Espiritu (Zac 4:1-6).  Sa gayon ito ay kasama ng mga mananampalataya na may malapit na kaugnayan kay Cristo.  Sila ay makapagbibigay ng ilaw rin, ngunit ito ay kanila lamang magagawa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Bawat lampara ay hiwalay na iniingatan. Ang nasunod na bahagi ng mitsa ay hindi na makapagbibigay ng liwanag kaya ito ay tinatanggal na ng saserdote.  Ang buhay ng mananampalataya na naharangan ng pagiging marumi ay hindi makapagkakalat ng liwanag.  Ang dalawang pares ng mitsa ay kailangang gawin:  ang mga mitsa na ito ay gawa rin sa ginto: Ito ay isang delikadong gawain, ngunit sa katapusan ang liwanag ay nagpapakita ng buong kaningningan.  Ang liwanag na ito ay tumatama sa harapan ng ilawan, kay Cristo mismo.  Ito ang kahulugan ng Bilang 8:2, 3.

Panatilihin natin sa ating isip na ang ilaw ay hindi dapat sa atin mapunta kundi sa Panginoong Jesus.  Siya ang dapat mapalagay sa, ilaw at Siya ang kailangang paluwalhatian!

Sa katapusan, sa kalangitan, siya ay muling magiging ilaw; "Lantay na ginto ang lansangan ng lunsod, hindi na kailangan ang araw at ang buwan upang tanglawan ang lunsod, sapagkat ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagbibigay ng liwanag at ang Kordero (Cristo) ang siyang ilaw".  (Pahayag 21:21-23).

Ang mesa

Sa kabila ng ilawan ay nakatayo ang gintong mesa, kung saan nakalagay ang labindalawang tipay kapareho ng bilang ng lipi ng Israel.

Si Cristo ang mesa (alalahanin ang kahoy na may ginto).  Katulad ng mesa na nilalagyan ng piraso ng tinapay, ganundin ang bunga ni Cristo sa Diyos ngayon.  Sila ay katanggap-tanggap sa Diyos, dahil Siya ang nagtiis para sa kanila.  Nakikita sila ng Diyos sa liwanag na nasa ilawan.  Ang labin-dalawang tinapay ay nagpapakilala sa buong bansa ng Israel.  Katulad ng labin-dalawang tribo na dinala patungo sa Assiria at tanging dalawa lamang ang nanatili sa lupain, labindalawang tinapay ay nanatili sa mesa.

Ganito natin dapat makita ang kahalagahan ng tinapay sa atin ding panahon.  Ito ay nagsasabing ang ating puso, pag-ibig at panalangin ay dapat tumanggap sa buong bansa ng Diyos.  Mayroong pagkakabaha-bahagi ng pangkat at sekta na umiiral.  Sa ating kahihiyan dapat tayong magpakababa na tanggapin ito.  Kabilang pa rin sa kanila ay makikita naman natin ang mga anak ng Diyos kahit saan.  Mayroong pagkakaisa.  Alam ng Diyos ang Kanya, kaya dapat tayong manangan at maghawak-hawak bilang magkakapatid at magmamahalan ng buong puso.

  Ama . Idinadalangin ko sila .

  Lahat ng akin ay sa iyo, at lahat ng iyo ay akin .

Upang sila'y maging isa, gaya nating iisa . (Jn. 17:19-11)

Ang mesa ay napapalibutan ng gintong gilid na may isang dangkal ang luwang, katulad ng sisidlan na hinubog sa gintong kulungan.  Walang pag-aalinlangan na ito ay may silbi upang hindi mahulog o dumulas ang tinapay mula sa mesa.

Ang Panginoong Jesus ang gintong gilid.  Ang kamay ng Panginoong Jesus ay nagpapanatili sa matibay na hawakan para sa Kanyang sarili.  Siya ang nangangalaga dito.  Hindi ba napakamakapangyarihan ng kamay ng Anak ng Diyos upang hawakan ang Kanyang pag-aari ?

Ang mesa ng tinapay ng Presensya Exodo 25:23-30

Tuwing araw ng pamamahinga ang tinapay ay kinakain ng mga saserdote at pinapalitan ng bagong tinapay.  Ang tinapay sa gintong mesa ay pagkain para sa mga saserdote.  Ang Diyos mismo ang nag-utos nito.  Sinasabi sa Juan 6:32-58 na ang Panginoong Jesus ang tinapay ng buhay na bumaba mula sa langit; at kung sinoman ang kumain ng tinapay na ito, kailanman ay hindi mamamatay.

Ang buhay ng mga kristiyano ay pinapakain ng tunay na tinapay.  Kumain sa pamamagitan Niya, gumawa kasama Niya sa pamamagitan ng kanyang Salita, tinanggap Siya at nagkaroon ng ganap na kagalakan at kasiguruhan sa espiritual na paglago at tunay na biyaya.

Page 46 picture

Sa gintong mesa ay naroon ang labindalawang tinapay ng Presensya.  Bawat isang tinapay ay kumakatawan sa buong tribo ng Israel.  Ang buong bansa sa madaling salita ay itinatanghal sa harapan ng Diyos.  Nakikita Niya ang Kanyang sarili sa makalangit na liwanag ng ilawan.  Ang lamesa ay napapalibutan ng gintong gilid na sumisimbulo sa bansang nagkakaisa at iniingatan.  Sa likurang bahagi ay mapapansin natin ang sisidlan ng alak.  Ang tinapay na inilagay sa mangkok (sa Ex. 25:29 ay binanggit ngunit hindi tinukoy kung saang lugar sila inilagay).

Page 47 picture

Ang liwanag sa dakong banal ay nagmumula sa gintong ilawan, na may pitong lamparang langis.

Page 48 picture

Dito ay makikita natin ang dakong kabanal-banalan.  Ang panlikod na dingding ay inalis upang ating makita ang arko kung saan ang luklukan ng awa kasama ng mga anghel ay nakalagay.  Gabi-gabi ang mataas na saserdote ay nagsusuot ng magandang binurdahang kasuotan ngunit isang beses isang taon lamang at sa dakilang araw ng pagsisi, sila ay nagsusuot ng puti.  Sa araw na iyon siya ay darating, mula sa dakong banal, sa pamamagitan ng tabing na nagsisilbing pasukan sa dakong kabanal-banalan.

Ang tabing na ito ay malinaw na makikita sa larawang ito.  Ang tabing na ito ay napunit nang mamatay ang Panginoong Jesus at ito ang naging daan sa kaharian ng Diyos na ipinagkaloob para sa atin.

Ang Gintong Dambana ng Insenso 

Exodo 30:1-9

Ang gintong dambana na sunugan ng insenso ay hindi ginagamit na panghandog ng hayop na ihahandog katulad ng palangganang tanso na nasa patyo.  Tanging mabangong insenso lamang ang maaaring sunugin dito.  Ang kaaya-ayang amoy na ito ng insenso ay tumataas patungo sa Diyos.  Anomang sinasagisag nito ay magiging malinaw kapag binasa natin ang Awit 14:1: 2 at Pahayag 8:3.

Ang Insenso ay tumutukoy sa panalangin ng mga santo (ang mga mananampalataya) ngunit ito rin ay nangangahulugan ng pagpapasalamat, pagpuri at pagsamba ng mga tao sa Diyos, katulad ng ating makikita sa Hebreo 13:15.  Ang lahat ng ito ay tumataas sa Diyos, at nagdadala nito sa Diyos.  Gayundin si Cristo na nagdadala ng ating mga panalangin at pasasalamat sa Diyos.  Ito ba ay magiging katanggap-tanggap sa Diyos kung manggagaling ng diretso sa atin?  Hindi, dahil si Cristo ang nagpapadalisay at nagpapabanal dito.

Sa ganitong paraan ang bawat mananampalataya ay maaaring lumapit sa Diyos bilang saserdote, ngunit maliban dito, ang lahat ng anak ng Diyos ay magkakasamang makapaghahandog ng espiritual na handog na katanggap-tanggap sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus. (1 Ped. 2:5:9).

Sa Kanya na nagmamahal sa atin, nagbigay ng sarili,

at namatay para tayo ay mapabuti;

naglinis sa atin mula sa ating mga kasalanan

sa Kanyang pinakamahalagang dugo;

na siyang gumawa sa ating hari at saserdoteng Diyos,

ang Kanyang Amang walang katapusan;

sa Kanya ang walang hanggang kaluwalhatian

at walang katapusang kapangyarihan

Siya ang namamagitan sa Diyos, ang Diyos ng Kataas-taasan

Purihin sa lahat ng biyayang ibinigay; mga regalong ito ay walang katapusan

At tayo'y magagalak na umawit sa kalangitan;

Si Cristo ay nagmamahal sa atin, at inialay ang sarili,

At namatay upang tayo ay mapabuti,

Na siyang naghugas ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahalagang dugo.

Kapahingahan

Maging ang maya ay nakasumpong ng tahanan, at ng pugad ang layang-layang, upang magkaroon ng lugar sa iyong altar ang kanyang inakay (Awit 84:3).  At pagkatapos ang Mang-aawit ay nagpatuloy na naglarawan sa kapahingahan bilang "Kanyang mga dambana, Panginoon ng karamihan, aking hari at aking Diyos."  Sinabing mga dambana dahil ito ay dalawa.

Ang katauhang ito ay kailangang magkaroon ng kapahingahan sa palangganang tanso na sunugan ng handog na naroon sa patyo.  Ito ay nangangahulugan na kailangan niya ng pagsisisi doon sa krus.  Ito ang lugar kung saan ang buhay pananampalataya ay nagsimula. Pagkatapos siya ay makasusumpong ng kapahingahan sa gintong dambana ng insenso, sa pamamagitan ng panalangin at pagsamba.

Ang pagsamba ang pinakamataas na bagay na maibibigay ng tao.  Ito ay magsisimula sa langit at hindi magtatapos.  Dito tayo ay maaaring maghandog ng pagpupuri at pagsamba, ngunit ito ay mananatili nating gawain sa kalangitan sa panahon ng walang hanggan.

Ang Insenso

Ang Insenso ay kailangang timplahin ayon sa banal na alituntunin na isinulat sa Exodo 30:34-38.  Ito ay kailangang gawin ng may apat na sangkap.  Walang sinuman ang pinahihintulutan na gumaya nito bilang pansarili.  Ang insenso ay may natatanging kahalagahan na tanging sa Diyos lamang, bilang lubos na kaligayahan ng kaluwalhatian ng pinakamamahal ng Anak na pag-aari lamang ng Ama.

Ang Ama ay parating tumitingin sa Anak ng buong Pagsuyo.

"Ito ang pinakamamahal kong Anak. na lubos kong kinalulugdan."

Habang isinasaalang-alang ang handog na susunugin, ating makikita ang gawain ng pagtubos na ginawa ni Cristo.  Dito sa Insenso ating makikita kung ano ang nasa Kanyang Sarili.  Hindi ka na magtatanong dahil wala nang halaga dito kung ano ang Kanyang ginawa o natapos, ang dapat lamang alalahanin ay kung gaano kahalaga at kadakila ang Kanyang sariling katangian.  Higit sa lahat ng bagay na kayang gawin ng isang tao.  Isipin na lamang natin ang Kanyang kadakilaan, Kanyang kahanga-hangang pag-ibig at maraming dakilang karangalan.

Tayo ba,bilang saserdote ay nakapag-aalay ng ganito sa Diyos?  Oo, maaari tayong makapagdala ng lahat ng ating masumpungan at hinangaan sa Anak.  Maaari tayong magdiwang sa lahat ng ating nasumpungan sa Panginoong Jesus, at ng ating ikinalulugod sa Kanyang Pagkatao, at maaari tayong mag-usap ng patungkol dito kasama ang Ama.  Sa ganoon tayo ay magkakaroon ng pagtitipon kasama ang Ama at ang Anak.

Sa gayon, ito ay mananatiling tunay upang tayo ay makapagbigay ng sapat na pasasalamat para sa kaligtasang tinapos at para sa biyayang ating matatanggap mula rito.  Ngunit sa Insenso, ang pagsamba ay higit pa sa pasasalamat:ito ay

Kasiyahan sa Pagkatao ng Kanyang Anak, kagandahan, pag-ibig at lahat ng Kanyang pansariling kayamanan kasama ng Ama.  Ito ay isang mabangong samyo sa Ama.

Mga kapatid na lalaki at babae, minamahal mo ba ang Panginoong Jesus?  Kung ikaw ay nagmumuni-muni sa Panginoong Jesus at sa walang hanggang Pag-ibig Niya, pagkatapos ikaw ay lalapit sa Diyos at sasabihin mo ito sa Kanya:  Ito ang pagsamba.  Ito ang pagbubuhos ng mamahaling pabango para sa ating kaluluwa, katulad ng ginawa ni Maria ng Betania kung saan ibinuhos niya sa paa ni Jesus ang pabango at pinunasan ng kanyang buhok at humalimuyak ang bango sa buong bahay. (Juan 12).

Ito ang pag-aalay ng mabangong samyo ng incenso.

Page 51 picture

Ang Kaban ng Tipan ay nababalutan ng ginto sa loob at labas.  Ang Diyos ay napaka-dakila na maging ang langit ng kalangitan ay hindi na makapigil sa kanya, gayunpaman sa Kanyang mapagkumbabang pag-ibig inilagay Niya ang Kanyang trono dito.

Sa Kaban ay nakalagay ang luklukan ng awa na yari sa dalisay na ginto, 2½ ang haba at 1½ ang luwang.  Sa dalawang dulo ng luklukan ng awa ay nakatayo ang dalawang kerubing yari rin sa pinitpit na ginto.  Ang mukha ng mga kerubin ay nakatingin sa dugo na siyang iwinisik ng mataas na saserdote sa luklukan awa na nagpapahayag ng pagsisisi.

Sa pamamagitan ng dugong ito ang trono ng Banal na Diyos na dapat na magsilbing trono ng kaparusahan ay naging trono ng pagpapala.  Para sa atin ito ay nangangahulugan na makalalapit na ang mga makasalanan sa Diyos dahil nakikita ng Diyos ang Dugo:ang tinapos na gawain ng Kanyang pinakamamahal na Anak doon sa krus.

Dakong  Ang Kaban

Kabanal-

Banalan

Ang gintong altar

Ang

Dakong

Banal

  Ang Mesa ng

  Tinapay

Ang

Ilawan

Ang Palanggana

Ang Tansong Altar

Plano ng Tabernakulo

Ang Sahig

Ano ang bumubuo sa sahig ng tahanan?  Maaaring ikaw ay umaasam ng kaparehong kagamitan katulad ng sa dingding na gawa sa ginto.  O maaaring iyong iniisip na maaaring kahoy.  Ngunit ang dalawang ito ay parehong mali; dahil ang sahig ay gawa sa buhangin.  Paano ito nangyari?  Ang Tahanan ng Diyos sa lahat ng Kanyang kaluwalhatian at kagandahan ay inihiwalay para sa mataas na kamahalan, gayunpaman ay magtataglay ng makalupang sahig?  Oo, ang Tahanan ng Diyos kasama ng mga gintong kagamitan ay nakalagay sa buhangin.

Para sa atin ito ay nangangahulugan na ang mga lingkod ng Diyos ay nasa isang paglalakbay, sa isang disyerto kung saan walang maihahandog sa isang makabagong buhay Kristiyano.  Ang paglalakbay ay nagpapatuloy.  Mayroong mga paghihirap; may mga kalungkutan at kabiguan, pagkasakit at kamatayan sa ating paligid ngunit hindi tayo nag-iisa.  Araw-araw ang Diyos ay kasama natin sa Disyerto.  Hindi nawawala ang Kanyang paningin sa Kanyang mga lingkod. Pambihirang pag-ibig!  Kamangha-manghang tulong !  Maging sa ating mga paghihirap, Siya ay malapit sa iyo.  "Naibigay na sa Akin ang lahat ng kapamahalaan sa langit at lupa. Ako'y sumasainyong palagi hanggang sa katapusan ng sanlubutan" (Mt. 28:18-20).

Magtiis pa tayo ng kaunti, sapagkat Siya ay kasama natin.  Darating na ang panahon na ating maaabot ang ating minimithi at tayo ay makakasama na Niya!

Ang Haligi

Ang haligi na nagtataglay ng mesa at ng kaban ay may iisang kahulugan; ang mga bagay sa tahanan ng Diyos ay kailangang buhatin.  Ang Diyos ay kasamang naglalakbay ng Kanyang bayan ngunit ang haligi ay tumutukoy din sa ating mga gawain.  Ang mga Levita ang nagbubuhat ng mga mahahalagang bagay na nagpapahayag kay Cristo.  Bawat isang nakakakita sa kanila doon sa ilang ay nakapagsasabing sila ay nagdadala ng mga mahahalagang kayamanan.

Ngayon tayong mga mananampalataya ay nagtataglay rin ng mga kahanga-hangang bagay.  Ipinapakita natin sa iba kung sino Siya at ano ang ating natatamo sa Kanya.  Sa ganitong paraan tayo ay nagiging patotoo para sa kanya, upang ang mga makasalanan ay maligtas.  Ngunit ginagawa ba natin ito?  Ang mga haligi bang ito ay ipinapatong natin sa ating balikat ?

Kung alam ng mga tao ngayon ang nagligtas na pag-ibig ng Diyos, ito ay dahil sa atin.  Ginagamit ng Diyos ang naligtas na makasalanan upang ipangalap ang ebanghelyo.  Ating gawin ang ating bahagi sa gawain.

Ang Mataas na Saserdote

Sinuman na nakakita sa saserdote o sa madaling salita kahit sino na nakakita sa kanyang kasuotan at makaintindi ng kahalagahan nito bilang isang makalangit na Dakilang Saserdote na makakaisip ng napakatinding pasasalamat ay maaaring mabuhay ng napakasaya na may kasamang matatag na tiwala.

Ang Efod

Tingnan muna natin ang efod, ang pang-ibabaw na kasuotan ng saserdote.  Muli, ating mapapansin ang binurdahan na may apat na kilalang kulay.  Ngunit pansinin!  Hiblang ginto ang kanilang ginamit dito (Ex. 39:3).  Ating napag-alaman na ang ginto ay tumutukoy sa makalangit na kaluwalhatian.  Sa katunayan, ang Panginoong Jesus ang Siyang Dakilang Saserdote sa kalangitan

at nagpunta Siya dito sa lupa.  Nalaman Niya kung paano ang mamuhay dito.  Nalaman Niya ang ating mga paghihirap at kalungkutan higit kaninuman.  Siya ngayon ay nahabag sa atin kaya ang Kanyang ginawa ay makatarungan.  Naiintindihan Niya ang lahat ng patungkol sa iyo at sa akin kaya tinutulungan Niya ang Kanyang pag-aari.  Siya ang ating Dakilang saserdote. (Heb. 4:15)

Ang batong inilagay sa tabi ng daan

Ano ang mga bato na nasa kanan at kaliwang bahagi ng daanan ng mga saserdote?  Ito ay mahahalagang bato.  Anim na pangalan ang inuukit sa bawat bato, labindalawa lahat-lahat ayon sa bilang ng lahat ng lipi ng Israel.  Ang buong bayan ay nakasalalay sa balikat ng mga saserdote.

Ngayon ang Panginoong Jesus ang Siyang nagdadala sa Kanyang balikat sa lahat ng pag-aari at bayan Niya, katulad ng mabubuting pastol na nagbubuhat ng mga tupa sa kanyang balikat upang iuwi sa kanyang tahanan.

Ang Pektoral

Ang pektoral ay parisukat at nabuburdahan ng ginto.  Dito ay mayroong labindalawang iba't-ibang kumikinang at mahahalagang batong gawa sa ginto na may nakaukit na pangalan ng labindalawang lipi.  Ang mahahalagang bato ang siyang pinakamagandang gawa ng mundo at may malaking kahalagahan.  Dito, hindi katulad ng nasa tabi ng daan, ang bawat pangalan ay iniukit sa magkakahiwalay na bato. Ito ay nagkakapareho ng uri sa nauna ngunit ito ay mayroong labindalawang iba't-ibang bato.  Ito ay kumakatawan sa buong bansa bilang kalahatan, na mayroong pangalang nakaukit sa magkakahiwalay na bato.

Ito ay nagbigay sa atin ng dalawang kahulugan upang magsaya: ang Panginoong Jesus ang umaalalay sa simbahan sa kabuoan (ang kabalikat) ngunit Siya rin ang nakakakilala sa bawat isa sa atin (ang pektoral).  Sa oras na ikaw ay maligtas, ang pangalan mo ay makikilala sa kalangitan.  Ang Panginoong Jesus ay pinahahalagahan ka bilang isang mahalagang hiyas.  Ang ating kahalagahan ay nagmumula sa Kanya hindi sa ating sarili.  Pagkatapos, tayo ay Kanyang dadalahin sa Kanyang mapagmahal na puso.

Ito ay hindi ginagamit sa mga hindi nananampalataya.  Sa kasulatan, ang mga pangalan nila ay walang halaga sa Diyos.  Alalahanin ang kwento ng mayamang lalaki sa Lucas 16.  Ang pangalan niya ay hindi nabanggit  ngunit ang pangalan ni Lazarus ay nakilala; at ang pangalan niya ay nangangahulugan na "Ang Diyos ang aking Katulong".  Sa mundo siya ay hindi nakikilala ngunit sa kalangitan siya ay kilalang-kilala.

Ang pangalan ng bawat mga mananampalataya ay nakaukit at walang sinumang makapag-aalis.  Sila ay nagniningning sa liwanag ng kalangitan.  Ang may mas maliwanang na ilaw ay mas magiging maningning.  Ang lahat ay nagmula sa biyaya at pinatotohanan ng mga saserdote ay nasa Kanyang balikat.  Ipinanganak sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan at pagmamahal, hiwalay sa Kanyang puso.

O Panginoon kami ay umaawit na lumalapit,

dahil sa dakilang saserdote

Ang pangalan namin sa Kanya'y dinadala,

ni kinakalimutan at inihuhuli

para sa atin Siya ang nagsusuot ng turbante

kung saan ang "Kabanalan" ay maningning na liwanag

para sa atin ang Kanyang kasuotan ay mas maputi

kaysa sa walang bahid na ilaw ng kalangitan

Kaya mga kapatid, mga banal at may bahagi sa gawaing panlangit, ituon ninyo kay Jesus ang inyong mga isipan; Siya ang apostol at

dakilang saserdoteng ipinahahayag natin (Heb. 3).  Siya ay nabuhay upang maging ating tagapamagitan.  Nangangailangan tayo ng Dakilang Saserdote (Heb. 7).

Urim at Tumim

Ang pektoral ay tiniklop sa gitna.  Bakit?  Dahil may itinatago ito; naglalaman ito ng Urim at Tumim.  Karamihan sa mga ito ay mamahaling bato; at ang kanilang pangalan ay nangangahulugan ng "Liwanag at Kawastuan".

Kapag ang isang tao ay kailangang gumawa ng importanteng pagpapasya ngunit hindi niya malaman ang nais ng Diyos na tamang kanyang gawin, siya ay nagpupunta sa mga saserdote.  Ang saserdote ang makapagsasabi ng kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng Urim at Tumim.  Sa pamamagitan nito ang Diyos ay nakapagbibigay ng Kanyang kasagutan, at ang nagtatatanong ay makasusumpong ng malinaw na kasagutan kung paano makakikilos.

Malamang iisipin ng iba "Sana mayroon rin tayong saserdote na parating makapagpapakita sa atin ng daan".  Buweno, ito ang ganap na mayroon tayo, wala man dito sa lupa kung saan maaari tayong maglakbay ng matagal upang humingi ng tulong !  Ang Dakilang Saserdote ay nasa kalangitan at sa pamamagitan ng pananalangin tayo ay nagkakaroon ng direktang ugnayan sa Kanya.

Maaari tayong lumapit sa Dakilang Saserdote sa lahat ng ating suliranin.  Siya ay parating naririto para sa atin.  Siya ay nabubuhay para sa Kanyang nasasakupan.  Hindi Niya tayo iiwan na nangangailangan.  Maaari nating sabihin sa Kanya ang lahat, at pagkatapos antayin natin ng tahimik ang Kanyang kasagutan.  Sa oras na itinakda Niya gagawin Niyang tiyak ang ating landas.

Page 56 picture

Ang mataas na saserdote sa kanyang magayak na kasuotan.  Ang efod, isang uri ng tapi ay yari sa ginto, asul, murado at pulang lana at hinabing pinong linong gawa ng mahusay na magbuburda.  Mayroon tayo ditong magandang uri ni Cristo sa Kanyang katungkulan bilang Dakilang Saserdote sa Kanyang nasasakupan.  Siya ay nabuhay mula sa mga patay, umakyat sa langit at naupo sa kanang bahagi ng Diyos.  Bilang isang mahabagin at maunawaing Dakilang Saserdote.  Siya ay mananatiling buhay at nananalangin upang tulungan ang Kanyang nasasakupan sa kanilang mga paghihirap.  Dinadala Niya ang pangalan ng Kanyang mga iniligtas sa Kanyang matatag na balikat; hindi lamang ito, ang pangalan ng bawat isang nasa Kanyang pag-aari ay nakaukit sa bato ng pektoral at ng sa gayon ito ay dinadala sa Kanyang pusong mapagmahal.

Ang abito

Ang gagawing abito ng efod ay puro kulay asul na may suotan ng ulo sa gitna.  Ang pinakakuwelyo sa paligid ng butas nito ay hinabi para hindi matastas.  Nilagyan nila ito ng palamuting hugis granada at yari sa asul, murado at pulang lana sa tupi ng abito na may sabit na kampanilyang ginto at ang mga palamuting hugis granada ay magkasalit sa tupi ng abito.

Kapag ating iisipin, ating mapapansin ang kagandahan nito dahil sa mga kampanilyang gumagawa ng tunog.  Ngunit ang tunog na ito sa madaling salita ay hindi sapat.  Ito ay ipinapaliwanag ng paghahalinhinan ng kampanilya at palamuting hugis granada.  Ang kahalagahan ng tunog ay kapantay ng halaga ng bunga: sa salita at sa gawa ito ay mayroong kaparehong sukat. 

Sa paningin ng Diyos, ang mga bagay na ito ay may parehong halaga (Lk. 24:19)

Ang Turbante

Sa noo ng mataas na saserdote ay nakalagay ang turbante o panali sa ulo na gawa sa hinabing pinong lino na inukit sa ginto na nagsasabing: BANAL SA PANGINOON.  

Ang bayan ng Diyos ayon sa kanilang sarili ay hindi karapat-dapat.  Ngunit nakita ng Diyos ang platong ginto na minarkahan kung kaya ang Israel ay naging banal.  Sa atin ding panahon ang mga lingkod ng Diyos ay nagiging banal at katanggap-tanggap sa Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesus, ang ating Dakilang Saserdote.

...  kaya ginamit ng Diyos ang dalawang bagay, ang Kanyang pangako at Kanyang sumpa, na hindi mababago at hindi niya ikakaila.  Dahil dito, tayong nanganganlong sa Kanya ay nagkakaroon ng lakas ng loob na manatili sa pag-asang inilagay sa harapan natin.  Taglay natin ang pag-asang ito bilang matatag at tiyak na angkla ng ating kaluluwa.  Ito'y umaabot hanggang sa loob ng sanktuwaryo sa kabila ng tabing na pinapasukan ni Jesus na nagunguna sa atin.  Siya ang naging Dakilang Saserdote magpakailanman".  (Heb. 6:18-20).

Ang Dakong kabanal-banalan  Exodo 25:10-22

Ang Kaban

Sa wakas maari na tayong pumasok sa dakong kabanal-banalan.  Ano ang ating makikita dito?  Sa  walang kapintasang lugar na ito na may sukat na 10x10x10 yarda ay makikita na lahat ay yari sa ginto.  Dito ang kaban, ang luklukan ng Diyos ay nakalagay sa likuran ng tabing.  Ang lugar kung saan ang Diyos tumatahan. 

Ang kaban ay yari sa akasya, binalot ng ginto ang loob at labas nito at binalutan ng ginto ang mga gilid.  Dito ay ating makikita na ang Kaban ay isang tipo ng Diyos.  Sa Kaban ay nakalagay ang gintong pasanan, ang luklukan ng awa na may 2½ ang haba at 1½ ang luwang kasama ang dalawang gintong kerubin.  Dito ang Diyos ay tumatahan ngunit hindi malalapitan dahil sa nakasisilaw na liwanag. " Ngunit hindi mo makikita ang aking mukha pagkat walang makakakita sa akin na mananatiling buhay " Ang liwanag na ito ay napapalibutan ng madilim na ulap. (Ex. 33:20).

Hindi na kayo dapat paalipin sa kasalanan pagkat wala na kayo sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya (Rom. 6:14).

Tayong naalisan na ng takip sa mukha ay naghahayag ng kaningningan ng Panginoon at nababago upang matulad sa Kanya

(2 Cor. 3:18).

Ano ang nasa loob ng kaban ?

Ang mga bagay na itinago sa kaban ay nagbibigay ng karagdagang patunay na ang kaban ay isang Uri ng Cristo.

Naririto ang tapyas ng kautusan, ang sampung utos.  Tanging si Cristo lamang ang nakapagsasabi nito sa Diyos noong Siya ay naririto sa lupa: "Ang kautusan mo'y nasa Aking puso"  (Awit 40:8).  Ang Panginoong Jesus ang nagdadala ng kautusan ng Diyos sa Kanyang puso.

Naririto rin sa kaban ang gintong palayok na may Mana.  Sinasabi sa Juan 6, Si Cristo ang tunay na Mana, ang pagkain para sa mga manlalakbay.  Ang dakong kabanal-banalan ang uri ng kalangitan, kung saan hindi na mangangailangan ng mana.  Ngunit bakit natin matatagpuan ang mana dito?  dahil ito ay magsisilbing makalangit na ala-ala sa lahat ng kaligayahang nakamit mula kay Cristo kahit na tayo ay nasa sanlibutan.

Sa kahuli-hulihan, ating makikita sa kaban ang namulaklak na almendrong tungkod ni Aaron (Bilang 17).  Ang almendrong puno na namulaklak maliban sa ibang puno ay tumutukoy sa bagong buhay pagkatapos ng taglamig kung saan ang mga puno ay nangamatay.  Ang tungkod ganunpaman ay may kaugnayan sa muling pagkabuhay, si Cristo bilang pinagmulan ng tagumpay ang ating buhay na Dakilang Saserdote.

Ang luklukan ng awa

Ang luklukan ng awa ang nagtatakip sa kaban.  Dito naririto ang trono ng Diyos na ginawa sa purong ginto.  Dito nananahan ang may tatlong katauhan - ang nag-iisang banal, ang Makapangyarihan.  Ang tronong ito na dapat ay naging trono ng paghuhusga.  Ang kautusan, na sinuway ng Israel ay nakalagay sa ilalim nito.  Ang Diyos ay patuloy na tumatahan sa gitna ng mga makasalanang tao.  Katunayan kung Kanyang gugustuhin maaari Niyang puksain silang lahat at lumayo sa kanila magpakailanman.  Ngunit hindi Niya ginawa kaya isang beses isang taon, ang mataas na saserdote ay nag-wiwisik ng dugo sa luklukan.  Ang dugong ito ang siyang nangungusap sa walang dungis na handog.  Sa pamamagitan ng dugong ito ang trono ng paghuhusga ay napalitan ng trono ng pagpapala. (Rom. 3:25)

Ang kerubin

Ang kerubin ay itinaas na nilalang.  Sila ang nagbabantay sa trono ng Diyos.  Kerubing may nagniningas na espada ang nagpaparo'ot parito para bantayan ang daan patungo sa hardin ng Eden (Gen. 2).  Ngunit sa tabernakulo sila ay may kaugnayan sa pagpapala.  Ang kanilang mga pakpak ay nakabuka sa luklukan ng awa at ang kanilang mga mukha ay nakatingin sa ibaba ng may paghanga sa dugo na iwinisik dito (Lev. 16).

Ang trono

Ang dakilang mataas na saserdote, ang Panginoong Jesus ay pumapasok sa Dakong kabanal-banalan nang minsanan para sa lahat, sa pamamagitan ng sariling dugo sa pagkatamo ng walang hanggang katubusan (Heb. 9:12; 4:16).  Ngayon ay nawawala ang trono ng paghuhusga sa kalangitan kundi trono ng pagpapala.  Sinumang lumapit ngayon sa trono upang tumanggap ng biyaya at basbas ay tunay na nasisiyahan.  Ang panahon para sa biyaya ay tumatagal na sa 1900 na taon at nagpapatuloy hanggang katapusan.

Sa pagbabalik ni Cristo, ang oras ng paghuhusga ay magsisimula.  Pagkatapos ang oras para sa biyaya ay matatapos para sa iyo at ikaw ay hindi na maaaring mailigtas.  Ito ay magiging huli na para sa iyo at doon sa mga hindi nagsisi, ang kakaharapin nila ay ibang trono, ang trono ng paghuhusga.

Sa Pahayag 20:11-15 makikita natin ang mga namatay, dakila at aba, na nakatayo sa harapan ng dakilang tronong puti at walang sinuman ang mapapawalang - sala dito.  Lahat ng hindi nakalapit sa trono ng pagpapala ay tatayo sa harapan ng nakakikilabot na maharlikang trono.  Maririnig nila ang hatol at kailangan nilang sumang-ayon!  "Dahil sa aking mga kasalanan, nararapat lamang sa akin ang ganitong kahatulan.  Sa lupa ay hindi ko ninais na maligtas kaya ngayon ako ay itatapon ng habang panahon sa lawa ng apoy na may kumukulong asupre.  Hindi kasalanan ng Diyos na ako ay maligaw dahil Siya ay puno ng pag-ibig at nais Niya na ako ay maligtas ngunit ako ang hindi nagnais na mailigtas.'

Isang taos pusong pagsisisi ang mangyayari dito; iyakan at pagngangalit ng ngipin!  Kung ako lamang ay nakinig.  Napakalapit ko na sa Kanya, ngunit ngayon ako ay nasa labas sa kadiliman".

Ito ay higit pa sa aming mataimtim na panalangin; ang maligayahan ka sa walang hanggang panahon na darating ang matapat na ninanais ng Diyos sa iyo na bumabasa ng aklat na ito!

MALIGAYANG PAGDATING SA TAHANAN NG DIYOS !

Tayo ay nasa labas malayo sa Diyos at tinatawag na kaaway ng makasalanan.  Tayo ay may napakalaking pagkakautang at nararapat na manatili sa walang hanggang kadiliman ng may kalungkutan.

Tayo ay pumasok sa bukas na pinto dahil ang pintong ito ay ang Panginoong Jesus.  Sa altar na ito ay makikita natin ang pag-ibig sa atin ng Diyos, na naging dahilan ng pagkamatay ng Kanyang nag-iisang Anak doon sa krus. Kaya nga tayo ay lumalapit sa Bahay na Ginto dahil dito ay  matatagpuan natin ang pagkakasundo at kapayapaan sa Diyos. 

Nakita natin ang Kanyang kayamanan sa ilawan, sa mesa at sa gintong altar at sa pamamagitan ng tabing ay makararating tayo sa makalangit ng liwanag na pumapalibot sa trono sa ng Diyos.  Lumampas pa ito sa ating inaasahan.   Dito matatagpuan ang ating tahanan at ninanais ng Diyos dito ang mga makasalanan.  Ito ba ay isang panaginip?  Hindi, ito ay isang katotohanan.  Sa ngayon tayo ay humahawak sa pananampalataya, ngunit darating ang panahon na makikita natin ito ng totohanan.

Isang pag-ibig at kahanga-hangang pagpapala ang ipinahayag ng Diyos!  Walang sinomang kahanga-hangang Tao ang makagagagawa nito maliban sa Anak ng Diyos! Walang sinuman ang maihahalintulad sa Kanya!  "Siyang nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay nagsasabi, Oo darating na Ako sa lalong madaling panahon" (Pahayag 22).

Kapag Siya ay dumating upang kuhanin ang Kanyang pag-aari at dalahin sa Kanyang tahanan sa itaas, ang walang katapusang awit ng papuri ng mga hindi mabilang na iniligtas ay maririnig mula sa bulwagan ng kalangitan.  Ito ay magiging isang maringal na koro at ang mga awit ay magkakaroon ng mga walang kapintasang tinig na sasabayan ng walang kapintasang tugtugin ng alpa.

" Sa kanya na nagmamahal sa atin, at naghugas sa atin mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang sariling dugo, at gumawa sa atin bilang hari at saserdote sa Diyos at sa Kanyang Ama; sa Kanya ang kaluwalhatian at kapangyarihan magpakailanman. Amen".

Ikaw ba ay pupunta rin doon? Kasama ka rin ba namin kapag Siya ay bumalik upang isama ang Kanyang mga pag-aari sa Kanyang Bahay na Ginto?  Isang malaking pribilehiyo ang makasama sa paglalakbay dito!  Maaari kang sumama sa amin.  Ikaw ay malugod na inaanyayahan!

Mayroong walang hanggan at dakilang pagkahabag

Na nananahan sa isipan ng bawat nilalang;

Isang mahabaging awa, na nagdadala sa makasalanan

Na humihipo sa puso ng Diyos.

Mula sa kasalanan na nagpalaya sa kanila, sa pamamagitan ng Kanyang pag-ibig,

At naghatid sa kanila sa Bahay ng Diyos sa itaas.

Lahat ng kasalanan ng mga lumapit na naniwala

Sa dugo ni Jesus ay nawalang lahat.

Ang mensahe ng Diyos ay nagsasabing:Tinatanggap ko

ang pinakamakasalanang tao ngayon.

Sila ay dinala ng Diyos sa natatanging araw ng pagpapala

Sa lugar ng Kanyang walang hanggang tirahan.

Sa aklat na ito ay ipinapaliwanag ang lahat ng tagubilin sa pinaikling paraan.

Marami pa ang sinasabi patungkol sa kahulugan ng tabernakulo.  Dahil dito, mas makabubuting basahin mo rin ang iyong Biblia at pag-aralan ang Salita ng Diyos!  Maglaan ka ng oras para dito, lalong higit kung ikaw ay bata pa.  Ito ay isang gintong kaalaman at nangangailangan ng malalim na pag-aaral. Ito ay mangangailagan ng oras at panahon, ngunit sinumang mag-ukol ng sarili upang makapag-aral ay gagantimpalaan.

Ikaw ay magtatamo nang kayamanan na magtatagal at matututuhan mo ang marami pang bagay patungkol sa Panginoong Jesus. 

Siya ang pinakamalaking kayamanan, kung kaya ikaw ay magkakamit ng kasaganaan!

Bahay na Ginto

House of Gold - Welcome

J Rouw

Grace and Truth Inc

P O Box 52

San Pablo City

Laguna, 4000

Philippines

Phone (049) 562 0584

Fax (049) 562 2651

© Chapter Two, London 2003 - used by permission

First English edition 1981 reprinted 1984, 1988, revised 1993 and 1999.

© Photographs: estate of Paul F. Kiene

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or storage in any information retrieval system, without written permission from the Chapter Two Trust, copyright owner.

issued in Amharic, Arabic, Chinese, Chuvashian, Croatian, Czech, Danish, Dutch, Hebrew, Hungarian, German, French, Hungarian, Indonesian, Italian, Japanese, Korean, Lithuanian, Nepali, Norwegian, Polish, Punjabi, Russian, Spanish, Tagalog, Telegu, etc.

Total in print exceeds 1,250,000 copies